Kabanata 34

59.9K 1.7K 233
                                    

Kabanata 34

Binilisan ko na kanina ang kilos ko sa paliligo at pagbibihis. Matapos kong mag-ayos ay nagpunta agad ako sa ospital dala ang pera. Mas iningatan at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa aking dalang backpack. Sa una ko ito inilagay upang makasigurado.

Ayoko ng manakawan pa.

Dumaretso agad ako sa bayaran at marami akong pinirmahan na mga papel. Matapos iyon ay agad nilang ginamot ang aking kapatid. Halos hindi parin ako mapakali habang tinitingnan siyang gamutin ng isang doctor at dalawang nurse.

Hindi parin ako mapapanatag hangga't hindi siya gumagaling.

Maraming ginawa sa kaniya. Iba't ibang test at pamamaraan sa paggamot sa may dengue. Pinasahan siya ng dugo, mabuti na lang at may blood bank sa ospital na ito. Naging madali ang proseso dahil tinatanggap ng katawan niya ang dugong isinasalin sa kaniya.

Lumipas ang isang Linggo at unting-unting ng nakikita ng doktor ang pagbabago kay Dodo. Medyo masigla na itong magkikilos. Ngumingiti na at nakikipagkwentuhan sa ibang pasyente at sa mga doktor.

Sa isang Linggo na dumaan ay hindi na ako nakauwi sa mansyon ni Orion. Wala na akong naging balita sa kaniya dahil ang mas pinagtuunan ko muna ng pansin ay ang kapatid ko.

Ni-hindi din naman niya ako pinupuntahan sa ospital. Naglagay ako ng note sa may ref upang mabasa niya. Nakasulat doon ang pangalan ng ospital. Akala ko ay lilipas din ang galit niya pero isang Linggo na anf lumipas at hindi parin siya nagpapakita sa akin.

Galit pa ba siya?

Minsan ay umuuwi ako upang kumuha ng gamit sa bahay namin at usisain ang aking mga kapatid na tumutuloy kina Aling Mila pansamantala.

Kahit matagal na kaming nasa ospital ay hindi naman nagagalit si Aling Mila dahil masyado itong mabait at tuwang-tuwa din ang ginang tuwing may inaalagaan siyang mga bata. Hindi na kasi sila nagkaanak ni Mang Long dahil matanda na noong mag-asawahan sila. Si Mang Long naman ay paminsan-minsan lang umuwi dahil sa trabaho nitong construction worker.

Binibigyan ko naman sila ng pera para sa pagkain nila. Nakakahiya naman kung iaasa ko kay Aling Mila ang gastos at pagkain ng mga kapatid ko.

Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Daniela sa balikat ko. "Oy bakla, umuwi ka kaya muna upang bumawi sa tulog? Isang Linggo ka ng puyat ah? Konti lang ang oras na itinutulog mo."

"Pahinga pahinga din naman pag may time." dugtong na sabi niya sa akin.

Parehas kaming nagbabantay ni Daniela sa ospital pero minsan ay umuuwi siya at natutulog sa bahay. Minsan naman ay dito na din siya natutulog dahil para mabawasan naman ang paggastos sa pamasahe.

Medyo malayo kasi ang ospital na ito sa bahay namin kaya mahal din ang nagiging pamasahe. Sa panahong ganito ay kailangan naming magtipid.

Lagi akong nakabantay kay Dodo tuwing umaga at gabi. Walang mahihigaan sa ospital dahil tanging upuan lang ang meron sa tagabantay. Hindi naman ako sanay na matulog ng nakaupo kaya hindi ako nakakatulog ng maayos dito. Isang oras na idlip lang tapos magigising na ako agad. Tapos sa isang oras kong pagiging gising ay binabantayan ko lang si Dodo habang natutulog.  Pag-tinablan ulit ng antok ay tutulog na naman ako. Paputol putol ang tulog ko, hindi ako makadiretso ng tulog.

Tapos hindi rin ako makatulog ng maayos dahil naaalala ko si Orion, hindi parin kami magkaayos. Kay Driton naman ay nangangamba pa din ako. Stress na stress na ako.

"Kaya ko pa, Daniela." sabi ko sa kaniya upang hindi na siya mag-alala.

Tiningnan niya ako ng mabuti at pagkatapos ay umiling siya. Marahan niyang dinutdot ang aking eyebag.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now