Kabanata 26

64.4K 1.9K 65
                                    

Kabanata 26

"Amara"

Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi. Napangiti akong muli noong maalala ang nangyari. Sibuyas, ikaw lang ang kayang makapagpagulo ng aking nararamdaman. Ang iyong halik ay nakakapagpabaliw sa akin.

"Amara."

Kanina lang umaga bago ako umalis sa mansyon niya ay halos hindi niya na pakawalan ang labi ko sa tagal ng halik niya sa akin.

"Nabili ko na yung giniling na pinabibili mo."

Bakit naramdaman ko parin ang malambot niyang mga labi?

"Hoy bruha! Kanina pa kitang tinatawag pero tulala na tulala ka d'yan! Para kang namaligno!" sigaw ng isang matinis na boses habang hinahampas ako sa braso.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig noong bumalik ako sa realidad. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko si Daniela na nakapamay-awang na habang tinitingnan ako.

Nakataas ang makapal niyang kilay habang nahihiwagaan niya akong tinitignan.

Kanina niya pa ba ako tinatawag? Kanina pa ba siya? Napasimangot ako noong may naalala. Umaga ko pa siya pinabili pero gabi na siya umuwi. Maghapon akong nahintay sa kaniya. Halos mamuti na ang mata ko sa kakahintay sa binili niyang giniling.

"Tulalang tulala ka ha! Ano na naman ang pinag-iisip mo?" mataray na tanong niya.

Pinaningkitan niya ako ng mata na tila iniimbestigahan niya ang aking mukha. Narinig kong napasinghap siya noong may nakita.

"At bakit ka nakahawak sa labi mo?" naningkit lalo ang kaniyang mga mata.

Napanguso ako at pagkatapos ay binitiwan ko ang aking labi. "Masakit eh." mahina kong sabi.

Inilapit niya ang mukha sa akin at pinagmamasdan niya ang aking labi. Nailang tuloy ako bigla sa kaniyang ginawa. Pinagmasdan niya ng mabuti ang aking labi.

Nakita ko kung paano namilog ang mga mata niya, at kasunod noon ang malakas niyang pagsinghap.

"Aba! Bakit parang paga iyan?" malakas niyang sigaw sa akin.

"Ha? Anong paga?" natatarantang sabi ko. Halatang halata pa ba ang pagkapaga ng labi ko?

Ni-hindi naman ako pinuna ng mga bata kanina. Siya lang ang bukod tanging nakapuna nito.

"Ngayon ko lang napansin iyang labi mo! Bakit parang nilamutak ng halik iyan? At bakit namumula!" madiin niyang sambit. May pag-aakusa na makikita sa kaniyang mga mata.

"Hindi ah!" mabilis kong tanggi sa sinabi niya.

Tinaasan niya ako ng kilay at pagkatapos ay ngumisi siya.

"Bruha ka! Baka nakikipaghalikan ka na ha?" Tanong niya pero halatang halata sa boses niya ang kasiguraduhan.

"Baliw hindi noh!" Mabilis ko ulit na pagtanggi.

"Amara ha! Huwag mo akong pag lolokohin! Ganyan din ang labi ko dati noong may jowa pa ako!" may kalakasang sabi niya sa akin.

"Saan ka nakipaghalikan?" tanong niya. Nanlilisik ang mga mata niya.

"Hindi nga sabi ako nakipaghalikan!" muling giit ko sa kaniya.

"Huwag mo na akong lokohin!" Mataray na sabi niya.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya st pagkatapos ay ngumuso. Sus, siya nga dati ay hindi ko pinapakialaman tuwing nakikipaglandian siya sa mga lalaki niya.

"Matanda na ako. Pwede na akong magpahalik." Pag-aamin na sabi ko.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now