Kabanata 31

62K 1.6K 140
                                    

Kabanata 31

"Where do you want to eat, kids?" mahinahong tanong ni Orion sa mga kapatid ko.

Masaya silang tumalon talon at nagtaas ng kamay. Napangiti tuloy ako sa kanilang ginawa.

"Jabi! Jabi!" sabay na sabi ni Sasam at Dodo.

"Jollibee pooo, Kuya Orion." pagbibigay suhestiyon ni Kiki.

"Sa may masarap na manok, Kuya Orion." sagot din ni Totoy Bibo.

Nakanguso na tinitigan ko silang apat na tila excited sa pagsusuhestiyon kay Orion. Nalingat lang ang atensyon ko sa mga ito nang maramdaman kong hinawakan ni Sibuyas ang aking kamay.

Ipinasyal namin ang mga bata dahil wala naman daw siyang gagawin sa araw na ito. Nasa mall kami at namamasyal, minsan ay ibinibili niya ang gusto ng mga bata.

Kaya todo iling ako tuwing walang pagtanggi niyang ibinibigay ang gusto ng mga ito.

Napangiti ako noong makita kong nakatingin siya sa akin. Tipid siyang ngumiti at kasunod noon ay tinanong niya ako.

"Do you want to eat there?" tumango ako sa kaniya at mas nginitian ko siya.

"Oo naman. Basta doon sa bagay na ikakasaya nila." lumawak ang ngiti ni Orion sa aking sinabi.

Nagkaroon man kami ng hindi pagkakaunawaan kahapon, naging ayos na naman kami dahil naliwanagan na siya sa aking gusto. Apat na oras lang kaming hindi nagpansinan kahapon pero kalaunan ay nagkabati na din kami.

Tiningnan niya ang mga bata at pagkatapos ay tinanguan niya ang mga ito. "Okay. Let's go to Jollibee." Pinal na sabi niya.

"Ay huwag tayo doon!" tili na pagtutol ni Daniela na bigla na lang sumulpot sa tabi namin.

Kakagaling lang niya sa cr. Nagpaalam kasi siya kanina na iihi daw muna siya bago kami kumain.

Naguguluhan na tumingin ako sa kaniya. Ano na naman kayang problema ng baklang ito?

"Hindi naman ikaw ang tinatanong bakla! Ang mga bata ang magdedesisyon." nakanguso kong sabi sa kaniya.

Inirapan ako ng baklang bruhilda. Hinawakan niya ang braso ko. "Gaga! Kapakanan mo lang ang inaalala ko."

Napatingin ako kay Sibuyas at napansin kong kunot na ang noo niya na tila naguguluhan na sa sinasabi ni Daniela.

Lumipat ang tingin ko sa bakla kong kaibigan. Sinasabi mooe?

"Ulol! Paanong kapakanan ko? Pinagsasabi mo dyan?" nakakunot noo ko ding tanong sa kaniya habang pinagmamasdan si Daniela.

"Pagkumain ka sa Jollibee----" pinutol ko agad siya sa sasabihin niya.

"Mabubusog ako." Pilosopo kong sabi sa kaniya.

"Gaga! Tama ka sa parte na iyan, pero iba ang ibig kong sabihin." Mataray na sabi niya sa akin.

Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa balikat ko kaya bahagya akong napahiwalay kay Orion.

"Oh ano naman iyon?" kuryosidad na tanong ko.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now