Kabanata 8

88.2K 2.6K 322
                                    

Kabanata 8

"Congratulations but you are under arrest," malamig na sabi ni Kano habang nanlilisik ang kaniyang mga mata.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Siya nga iyong nakita ko kanina! Nahuli niya ako!

Tiningnan ko ang posas na nakakabit sa akin pulso. Napangiwi ako nang makitang mahigpit ang pagkakahawak niya rito.

Teka, may sinabi siya, eh!

Matatakot na sana ako sa kaniya ngunit hindi inaasahang napakunot ang noo ko. Naguguluhan na napanganga ako sa kaniya at pagkatapos ay tiningnan ko si Daniela. Paniguradong halata sa aking mukha ang pagtatanong.

"Ha? Ano iyon?" tanong ko kay Daniela.

Nagsalita na naman si Kano ng ingles eh! Hindi ko na naman siya naintindihan.

"Gaga! Late reaction? Bakla, arestado ka raw!" sabi ni Daniela.

Hindi mawala wala ang tingin niya kay Gwapong Kano. Napansin ko rin na napakagat labi siya at napangisi.

Ganito siya tuwing nakakakita ng gwapo! Pangisi-ngisi at pakagat-kagat ng labi. Paniguradong mamaya ay maglalaway na iyan.

Napasimangot ako at pagkatapos ay iniwas ko ang tingin kay Daniela. Ibinalik ko ang mga mata ko kay Gwapong Kano upang pagmasdan siya.

"Hindi pa ba nakaka-move on ang lalaking iyan? Pasabi kamo wala akong pambayad sa kaniya," inis na sabi ko habang iniirapan si Kano.

"Handsome, she---" pinutol niya agad ang pagsasalita ni Daniela.

Bastos talaga.

"You just won the contest, so you have a fuckin' money," inis niyang sabi sa akin.

Tumingin ako kay Daniela upang senyasan siyang tagalugin ang sinabi ni Kano.

"Tagalugin mo," bulong na sabi ko.

Hindi niya inaalis ang tingin niya kay Kano habang sinasagot ako, "Nanalo ka raw sa contest kaya may pera ka."

Oh! Ano naman kung may pera ako? Hindi ito sapat! May paglalaanan ako ng pera na ito. Pang-kain ito ng mga kapatid ko. Kung ibibigay ko ito sa kaniya ay paniguradong titirik ang mata ng mga kapatid ko sa gutom.

Tinaasan ko siya ng kilay at pagkatapos ay inilingan ko siya.

"Wala akong ibabayad sa'yo, kano. Pwede naman yatang pag-usapan na lang natin iyan, o kaya naman baka pwedeng mag-move on ka na lang. Iyong parang walang nangyari," walang kagana-ganang sabi ko sa kaniya.

Kumunot ang noo ni Gwapong Kano nang marinig niya ang aking sinabi. Hindi nakalampas sa paningin ko ang pag-igting ng panga niya.

Nawaglit lang ako sa kaniya ng tingin nang marinig ko ang pagsinghap ni Daniela.

"Ang hot!" mahinang bulong niya.

Tumingin ako kay Daniela na ngayon ay nakanganga habang tinitingnan ang gwapong lalaki na nasa aming harapan. Hindi nakalampas sa paningin ko ang pagtulo ng konting laway sa labi niya.

Ang salaula talaga ng baklang ito, at ang manyak pa, ha! Tama ang hula ko at talagang tumulo nga ang laway niya.

Mahina ko siyang sininghalan habang kinukulbit siya.

"Hoy! Tama na ang pagnanasa!"

"I-ingles mo. Para maintindihan naman ako nitong kano na ito!" untag ko sa kaniya upang magising siya sa katotohanan.

Wala sa sarili na lumipat ang tingin niya sa akin. Napakurap-kurap siya habang tinitingnan ako.

"Ang papable naman niya. Saan mo ba nakilala itey, ha? Siguro nagpawarak ka sa kaniya, huh? Baklang 'to! Daks ba, ha? Daks?" mahinang bulong niya na tila ba pinag-iisipan ako ng masama.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now