Kabanata 38

57.6K 1.7K 245
                                    

Kabanata 38

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ni Julie Anne at pagkatapos ay nginitian ko siya ng tipid.

"Mommy, I miss you so much." lumuluha na sabi niya.

Bumuntong hininga muna ako upang kumuha ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya ang totoo.

"Julie Anne, hindi ako---"

"Amara, huwag mong saktan ang bata." pagpipigil na sabi sa akin ni Driton.

Ang aking atensyon ay inilipat ko sa kaniya. Hanggang ngayon ba ay bubulagin niya sa katotohanan ang anak niya?

"Driton. Alam mong kailangan niyang malaman ang totoo" nagtatagis ang bagang na sabi ko sa kaniya.

Mabilis siyang umiling sa akin at pagkatapos ay hinawakan niya ang balikat ko. Agad kong tinanggal ang kamay niya na humawak sa aking balikat.

Tumayo ako at tsaka ko siya tinitigan nang madiin. Walang nagpatinag sa amin parehas kaming madiin na nakatitig sa isa't isa.

"Limang taon palang siya. Sa tingin mo ba ay maiintindihan niya na agad ang sasabihin mo?" Diretsang sabi niya sa akin.

Oo bata pa siya pero mas maganda hangga't maaga ay inuunti-unti niya ng sabihin ang totoo.

"Are you fighting?" biglang tanong ni Julie Anne.

Wala akong nagawa kundi ang umiling. Alam kong hindi kami dapat mag-away sa harap ng bata kaya mas pinili ko na lang manahimik.

"No, we are just talking." sabi ni Driton habang tinitingnan niya ako.

Tumalikod na lang ako sa kaniya at pinagtuunan ko na lang ng pansin si Julie Anne.

Siguro ay mamaya ko na lang siya kakausapin ng maayos pag wala na sa harap namin ang bata.

"Mommy, let's play." yakag sa akin ni Julie Anne at hinawakan niya ang aking kamay.

"Sige." pagpayag ko sa kaniya.

Hinigit niya ako papunta sa kaniyang kwarto. Noong makapasok kami ay agad kong nakita ang mga laruan sa kaniyang kama. Mga barbie ang laruan niya at mga stuff toys.

Kita ko ang kasiyahan sa kaniyang mukha habang nakikipaglaro ako sa kaniya. Dalawang oras kaming naglaro. Nang mapagod siya ay yumakap siya sa akin. Ilang minuto din kaming nagkakwentuhan hanggang sa makatulog siya.

Pagkalabas ko sa kwarto ay agad kong nilapitan si Driton na nakaupo sa sofa. Habol niya ako ng tingin habang umiinom siya ng alak.

Kanina ko pa gustong itanong sa kaniya ang bagay na ito ngunit hindi ako makakuha ng pagkakataon dahil kasama namin ang bata.

Kunot noo na tinanong ko siya. "Dalawang taon pa lang siya noong umalis ako. Bakit kilala niya pa ako?"

Ibinaba niya ang baso sa maliit na lamesa at pagkatapos ay tsaka niya ako sinagot.

"Pinapakita ko sa kaniya ang mga litrato mo."

Inis na napahawak ako sa aking ulo. Gusto ko siyang sigawan dahil sa kagaguhan na ginawa niya.

"Ako talaga ang pinakilala mong ina sa kaniya?" may galit sa tono ng boses ko.

Hindi ko alam na talagang ibinaon niya na sa limot ang totoong ina ni Julie Anne. Hindi ako ang ina niya kaya karapatan parin ng bata na malaman ang totoo. Kahit patay na ang nanay ng bata ay dapat parin itong kilalain ni Julie Anne.

"Nahihibang ka na talaga." Matigas na sabi ko sa kaniya.

Pumayag ako dati dahil alam kong hindi naman iyon magtatagal. Alam kong sa pag-alis ko ay lumaki ang posibilidad na hindi ako kikilalanin ng bata bilang ina dahil masyado pa itong bata para maalala ako pero dahil sa ginawa ni Driton ay mas gumulo ang lahat.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now