Kabanata 28

61.2K 1.7K 101
                                    

Kabanata 28

"Let's go?" Nakangiti na sabi niya at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko.

Pinilit kong ngumiti at pagkatapos ay tumango ako. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kaniyang kamay at pilit kong inaalis sa aking isip ang sinabi sa akin ng matandang babae.

May kaugnayan ba iyon sa hinaharap?

Ipinilig ko ang aking ulo at sinabayan kong maglakad si Orion papasok sa loob ng simbahan. Nang makapasok kami ay itinuro ko kung nasaan sina Daniela. Agad din naman kaming nakarating doon sa pwesto nila. Nang makita nila kami ay tinawag kami ng mga bata.

Binati kami ni Daniela. Nakita kong tinitigan ni Daniela ang magkahawak naming kamay ni Orion. Lumawak ang pagkakangiti niya sa akin habang tinataasan niya ako ng kilay. Ibinuka niya ang kaniyang bibig at nabasa ko naman ang kaniyang mensahe.

"Malandi." basa ko sa paggalaw ng kaniyang bibig.

Natatawang inirapan ko lang siya. Umupo kami sa upuan. Katabi ko si Sasam sa kaliwa habang nasa kanan ko naman si Orion. Siya ang nasa pinakadulo ng upuan kaya wala siyang katabi sa kanan niya. Si Daniela naman ay nasa kabilang dulo. Ang mga bata ang katabi ko kaya hindi niya ako maabot, nasa pinakadulo siya katabi ni Totoy Bibo.

Nagsimula na ang misa pero magkahawak kamay parin kaming dalawa. Panakaw akong tumitingin kay Orion at napapansin kong seryoso siyang nakatingin sa unahan at nakikinig sa pari.

Kung kanina ay hindi ko pinapansin ang misa, noong makita ko siyang seryoso ay sinubukan ko ding pakinggan ang misa ng pari.

Napahugot ako ng malalim na paghinga. Sa ilang taong nakalipas ay ngayon lang ako ulit nakapasok sa simbahan at nakasimba. Ngayon ko lang ulit narinig ang sermon ng pari.

"Mga kapatid, alam kong ang bawat isa sa atin ay may tinatagong kasalanan. Maliit man yan o malaki, nararapat lang na humingi tayo ng tawad sa ating Diyos. Alam nating nakikinig siya lagi sa ating mga hinaing, hiling at dasal. Alam din natin na mahal tayo ng Diyos kaya kahit sobrang laki man ng ating kasalanan sa kaniya, kung tayo ay magsisisi ay patatawarin niya agad tayo ng buong puso." rinig kong sabi ng pari.

"Ngayong araw ng kaarawan ng kaniyang anak, marapat lang na humingi tayo ng tawad sa mga nagawa nating kasalan sa buong taon. Anak, patatawarin tayo ng Diyos." sermon ng pari.

Bigla akong napakagat ng labi. Ramdam ko ang biglang pagbigat ng aking nararamdaman. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at ginising ang natutulog kong diwa. Ang bawat salita ng pari ay parang unting-unting ibinabaon sa puso ko ang mensahe niya.

Marami akong naging kasalanan sa Diyos. Sa sobrang dami ay hindi ko na mabilang. Nahihiya na din akong humarap sa Diyos at humingi ng tawad kaya ngayon lang ako nakapunta sa loob ng simbahan.

Humugot ako ng malalim na paghinga. Tumingin ako sa estatwa ni Jesus, at pagkatapos ay pumikit.

Alam ko pong huli na upang humingi ng tawad ngunit wala naman po sigurong masama kung ngayon lang po ako nakakuha ng lakas ng loob upang humingi ng tawad sa iyo? Alam ko pong marami akong nagawang kasalanan, marami po akong nanakawan at nalokong tao. At ngayon humihingi po ako ng tawad sa inyo. Patawad po panginoon kung gumawa ako ng masama. Ngayon po ay nagsisisi na po ako sa lahat. Sinusubukan ko na pong magbago upang maging maayos na po at matuwid na ang buhay ko. Patawarin niyo po ako... patawarin niyo po ako. Hinding hindi ko na po uulitin.

Napamulat ako at pagkatapos ay muli akong napatingin sa altar. Ramdam kong uminit ang mga mata ko, at naramdaman ko din ang pagbabara ng kung ano sa lalamunan ko.

Tumulo ang mga luha sa aking pisngi. "Patawad po. Patawad po. Patawad po." mahina kong sabi. Paulit ulit kong sinabi iyon habang humihikbi ng mahina.

Napansin kong humigpit ang pagkakahawak ni Orion sa kamay ko. Narinig ko siyang nagsalita pero hindi ko iyon naintindihan. Ang buong atensyon ko ay nasa altar lang habang humihingi ng tawad.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now