Kabanata 40

66.6K 1.8K 238
                                    

Kabanata 40

Hindi ko na kaya. Gusto ko ng umalis. Isang linggo pa ang lumipas at wala talaga siyang pagbabago. Sawa na ako.  Sobrang lalim na ng sakit na ipinaparamdam niya sa akin. Pinagbigyan ko na ang sarili ko upang manatili pa ng konting panahon para tingnan kung magbabago pa ba ang pakikitungo niya sa akin pero ngayon ay bigo na naman ako.

Kung hindi parin siya makikinig sa akin ay ipinapangako ko na ito na ang huli.

"Orion, mag-usap nga tayo." mahinang sabi ko.

"I don't want to talk to you."

Umiling siya at pagkatapos ay tumalikod sa akin. Bago pa siya makalakad palayo ay agad ko na siyang hinawakan sa braso.

Sumalubong sa akin ang seryoso niyang ekspresyon.

"Ilang linggo mo na akong iniiwasan. Ilang Linggo na kitang gustong kausapin pero inilalayo mo ang sarili mo sa akin para hindi mo marinig ang paliwanag ko." naiinis na sabi ko.

Ang lahat ng inis sa kaniya at pagtatampo ay isasatinig ko na ngayon. Malungkot na ngumiti ako.

"At ayoko mang aminin sayo pero ang sakit sakit na ng ginagawa mo sa akin!" may hinanakit sa boses na sabi ko.

"Oo! Mahal kita! Mahal na mahal talaga kita, Tang Ina! Pero ikaw yung gumagawa ng paraan para unting-unti akong sumuko sayo!"

Ramdam ko ang mainit na likido na namumuo sa gilid ng aking mata.

"Pilit kang lumalayo sa akin, at heto ako pilit ka paring inaabot kahit gusto ko ng sumuko at iwan ka!" malungkot akong umiling sa kaniya habang pinipigilan ang luhang gustong tumulo sa mga mata ko.

"Hindi ako ito! Matapang ako, at ayoko ng ako yung naaagrabyado pero tumitiklop ako sayo dahil mahal na mahal kita!" malungkot na napangiti ulit ako at pagkatapos ay binitawan ko ang kaniyang braso.

"Hanggang kelan mo ako papasakitan ng ganito? Hanggang kelan mo ako sasaktan ng todo?" May sakit sa bawat salita na sabi ko.

Ramdam ko ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha sa aking mga mata.

Nakita ko ang bahagyang paglambot ng ekspresyon niya. Umiwas siya sa akin ng tingin at pagkatapos ay bumuntong hininga siya.

"Do you think I'm not hurting? I'm also hurting, Amara!" may hinanakit na sabi niya.

Kung nagkakasakitan na pala kami bakit pilit niya parin akong kinukulong sa buhay niya?

"Kung parehas na pala tayong nasasaktan, bakit mo pa ako pinapanatili sa tabi mo!" may kalakasan na sabi ko.

Luhaan na umiling ako at pagkatapos ay hinawakan ko ang puso kong sumasakit.

"Ayoko na, Orion. Aalis na ako." May inis sa boses na sabi ko.

Ayoko ng magmahal ng taong hindi marunong makinig sa paliwanag. Ayoko na!

Tatalikod na sana ako upang umalis ngunit agad niya akong nahawakan sa magkabila kong balikat at naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng kapit niya.

"Don't fucking leave me, Amara!" ma-awtoridad na utos niya sa akin.

Marahas kong inalis ang kamay niya sa aking balikat at pagkatapos ay tiningnan ko siya ng matalim.

"Gagawin ko dahil ayoko na sayo! Gago ka! Wala kang bayag! Makinig ka lang sa paliwanag ko, iyon lang ang hinihingi ko pero ayaw mo paring ibigay! Ilang beses kitang sinuyo upang magkaayos ulit tayo! Ilang beses kitang inintindi kahit na gusto ko ng sumuko pero matigas parin ang puso mo! Aalis na ako sa buhay mo, Orion! Ayoko na!" may galit na sigaw ko sa kaniya.

The Billionaire's Sexy WhoreHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin