Kabanata 47

64.3K 1.8K 189
                                    

Kabanata 47

"Ama." Tawag ko kay Ama habang naglalakad kami papunta sa bukid.

Walang reaksyon na naglakad siya na tila walang naririnig. Hindi ko maiwasang mapanguso habang tinitingnan siya.

"Ama." tawag ko sa kaniya sa pangalawang beses.

Katulad kanina ay wala parin siyang pakialam sa akin. Napatingin ako kay Kuya Holi na nakatingin lang sa akin habang umiiling.

Hindi ako nawalan ng pag-asa at tinawag ko siyang muli.

"Ama."

Bigla siyang lumingon at pagkatapos ay tiningnan niya si Kuya Holi na nasa tabihan ko. Napasimangot ako dahil akala ko ay ako na ang papansinin niya.

"Holi, may naririnig ka ba na tumatawag sa akin?" tanong ni Ama kay Kuya Holi.

Nakita kong pinanlakihan ni Ama ng mata si Kuya kaya natakot si Kuya at umiling.

"Ho? W-wala ho ama." mabilis na pagtanggi ni Kuya.

Mas lalo akong napanguso sa sinabi niya. Kalahating oras na kaming naglalakad papunta sa bukid pero talagang hindi nila ako pinapansin at ginagawa lang nila akong invisible.

Napagpasyahan kong sumama sa kanila sa bukid upang kulitin si Ama at humingi ng tawad.

"Ah akala ko kasi ay may nagmumulto na sa atin eh." seryoso na sabi niya habang tinitingnan ang paligid ngunit iniiwasan niyang mapatingin sa direksyon ko.

Maghapon kami doon ngunit hindi parin ako pinapansin ni Ama. Hanggang sa makauwi kami ay bigo ako.

"Ama, nagluto ho ako ng paborito mong ulam." bungad na sabi ko sa kaniya noong pumasok siya sa kusina.

Kakarating lang ni Ama at Kuya Holi galing sa bukid kaya alam kong gutom na gutom na sila.

Tulad nitong mga nakalipas na araw ay hindi parin ako pinapansin ni Ama.

"Mahal, anong ulam natin?" tanong niya kay Inay.

Mahina akong napabuntong hininga at napansin ko ang malungkot na tingin sa akin ni Inay.

"Ginataang tulingan, Hulyo. Luto ni Amara." sabi ni Inay habang inilalapit kay Ama ang niluto ko.

Umiwas si Ama doon at pagkatapos ay kumuha ng tubig.

"Ipagluto mo ako ng tilapia. May allergy ako sa tulingan ngayon." seryosong sabi niya kaya napatigil kami ni Inay.

"Ha? Kailan ka pa nagka-allergy sa tulingan?" kunot noo na tanong ni Inay.

"Ngayon ngayon lang." sambit ni Tatay.

Narinig kong nagtawanan ang mga kapatid ko na kanina pa tahimik sa aming tabi. Pati narin ang mga apo ni Ama kay Kuya Bojo ay napatawa rin. Napanguso naman ako sa sinabi ni Ama.

"May nakakatawa ba?" seryoso na tanong ni Ama sa mga kapatid ko.

"Wala po Ama." sabay sabay na sabi nila Kuya.

"Kuya Kalel, pasalubong ha?" bilin ko kay Kuya Kalel.

Tumango siya at pagkatapos ay pinisil niya ang aking pisngi na tumatambok na.

Napanguso ako noong maramdaman ko ang sakit sa ginawa niyang pag-kurot.

"Aba oo naman. Ano bang gusto mo?" natatawa na tanong niya.

Nag-isip ako ng nagugustuhan kong kainin at pagkatapos ay sinabi ko iyon sa kaniya.

"Gusto ko ng pusit tapos duhat. Ah, baka may makita kang dinuguan sa karinderya. Ibili mo na din ako, Kuya." masayang utos ko sa kaniya.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now