Happy April Fools Day

64.6K 1.6K 194
                                    

"Be on jail or be my slave?" malamyos niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Matapos niyang sabihin sa akin ang mga katagang iyon ay bigla niya akong hinalikan. Nagpupumiglas ako habang ginagawa niya sa akin iyon. Ayoko! Ayokong magpahalik sa lalaking bastos!

Dahil sa pagpupumiglas ko ay tumigil siya sa paghalik sa akin. Dinuraan ko siya sa mukha kaya tumalim ang tingin niya sa akin. Hindi ako nagpatinag sa ibinibigay niyang tingin. Galit ako sa kaniya. Lubos ang galit na nararamdaman ko.

Sino siya para halikan ako? Wala siyang karapatan! Sa sobrang inis ko ay sinampal ko siya.

Hindi ako nakapag-pigil at bigla ko siyang itinulak. Naalis siya sa pagkakadagan sa akin. Iyon ang naging daan upang makatayo ako at makalayo ako sa kaniya.

Naghanap ako ng matulis na bagay at nang may nakita akong kutsilyo sa isang maliit na lamesa ay agad ko itong kinuha.

"Sige lumapit ka at paniguradong aagos ang dugo mo na para bang gripo!" may galit na pagbabanta ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at itinuloy niya ang pag-lapit sa akin. Pilit niyang inaagaw sa akin ang kutsilyo. Hindi ako nagpatalo, nakipag-agawan din ako sa kaniya. Nag-agawan kami, hanggang sa....biglang nanlaki ang mata ko sa gulat at takot.

Hindi ko inaasahan na nasaksak ko siya.

Napadaing sa sakit si Gwapong Kano at unting unti siyang napaluhod. Kitang-kita ko ang pag-agos ng dugo sa kaniyang dibdib. Nanginginig na napalayo ako sa kaniya. Napatingin ako sa kamay kong balot ng dugo.

Tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Anong nagawa ko? Nanginginig na napaupo ako sa takot.

Napatingin ako sa kaniya. Kita ko ang sakit at galit sa kaniyang mga mata. Hinang-hina na siya, putlang-putla na din ang kaniyang mukha.

"Why did you stab me?" nanghihina na tanong niya sa akin.

Umiling ako habang humihikbi. Umiiyak habang humihingi ng tawad sa kaniya.

Hahawakan ko na sana siya ngunit tuluyan na siyang napahiga sa sahig. Duguan at walang malay.

Sigaw na may halong pagsisisi ang lumabas sa bibig ko. Paghikbi ang naririnig sa bawat sulok ng kwarto.

Binawian siya ng buhay at ako ang may sala. Nahatulan ako ng panghabang buhay na pagkakakulong. Doon nagsimula ang paghihirap ko sa buhay.











----
CHAROT!

HAPPY APRIL FOOL'S DAY!
Hahaa Joke lang po ang chapter na ito. 😂 Hindi po ito kasama sa kwento, pawang katuwaan lang po ito.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now