Kabanata 43

63.5K 1.7K 68
                                    

Kabanata 43

"Amara, kamusta ka? Ayos ka lang ba?" Salubong na tanong sa akin ni Daniela pagkababa ko palang sa sasakyan ni Orion.

Ipinatong ni Orion ang kaniyang braso sa aking balikat noong makalapit siya sa akin. Hindi ko pinansin ang pagkakaakbay niya sa akin at si Daniela ang pinagtuunan ko ng pansin.

"Oo. Maaayos na ang pakiramdam ko." nakangiti na sabi ko sa kaniya.

Gusto kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagyayaya ni Orion ng kasal sa akin. Dalawang magandang balita ang sasabihin ko sa kaniya at paniguradong magugulat siya.

"Mabuti naman kung ganoon. Nag-alala ako sayo." sabi niya at pagkatapos ay tiningnan niya si Orion at nginitian. Binati niya si Orion kaya binati din siya nito pabalik.

"Amara, Pupunta lang ako sa kompanya. I need to attend my shareholders meeting. I will pick you up by seven." pagpapaalam ni Orion sa akin.

Tiningnan ko siya at pagkatapos ay tinanguan. Lumapit siya sa akin at kasunod noon ay hinalikan niya ako sa noo.

"Sige. Ingat ka." bilin ko sa kaniya.

Nginitian niya ako at pagkatapos ay tinanguan. "I will. Take care too, sweetheart." Muli niya akong hinalikan sa pisngi.

Matapos niyang gawin iyon ay tiningnan niya si Daniela "Daniela, please take care of her. Don't stress her up, okay?"

Napansin kong tumango ni Daniela at nagpaalam na din sa kay Orion.

"Bye bye, Papa Orion." malanding sabi ng bakla kaya napangiti ako.

"Ingat ka." muling bilin ko.

Nakangiting tumango siya at pagkatapos ay sumakay na siya sa kotse niya. Habang papaalis siya ay kumakaway ako. Noong mawala na siya sa paningin namin ay tumingin ako kay Daniela.

"May magandang balita ako sayo." sabi ko kay Daniela.

Nakita ko na sumilay sa mukha niya ang kuryosidad.

"Ano yun? Good news ba o bad news?" Tanong niya.

"Magandang balita, Daniela." malawak ang ngiti na sabi ko.

"Nasaan nga pala ang mga bata?" tanong ko sa kaniya noong may napansin akong kakaiba. May nakita akong isang hindi pamilyar na heels sa may gilid ng pinto.

May bisita kami?

"Ha? Eh kasi ano---May bisita nga pala tayo." hindi mapakali na sabi ni Daniela.

Napabuntong hininga ako noong mahulaan ko kung sino iyon. Kahit hindi na niya sabihin ay alam ko na.

"Si Marjorie ba?"

Nakangiwi na tumango siya. "Oo nandito siya at kinakausap ang mga bata."

"Pero bakit mo naman pinayagan?" mahinang tanong ko.

"Amara, nagmakaawa kasi siya." sagot niya sa akin habang nakangiwi.

"Pero kahit na hindi mo dapat siya pinabayaan--"

Umiling siya sa akin at pagkatapos ay tiningnan niya ako ng seryoso. "Amara, bago tayo pumasok sa loob. Mag-usap muna tayo."

"Daniela.."

Hinawakan niya ang aking braso at pagkatapos ay pinakalma niya ako pero hindi ako kumalma. Nakaramdam na naman ako ng galit dahil kay Marjorie.

"Amara, siguro mas makakabuti kung ibigay mo na sa kaniya ang mga bata."

"Ha? Ano! Hindi. Napamahal na sa akin ang mga bata! Hindi madaling ibigay na lang ang mga kapatid ko sa babaeng iyon!" inis ko siyang tiningnan. Hindi madali iyon para sa akin.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now