Kabanata 23

64.8K 2.1K 232
                                    

Kabanata 23

"Babayaran mo na ba?" pag-iiba ko sa usapan.

Nakita ko siyang umiling at pagkatapos ay kumuha siya ng isang laruan sa stall. Salubong ang mga kilay na tiningnan ko siya. Bakit ngumingisi siya na parang ang saya saya niya?

Hanla? Baliw na ba siya? Wala namang nakakatawa ah?

"No. Pinauna lang kitang mamili. Bibili din ako ng mga panregalo sa mga batang nasa bahay ampunan." baritono na sabi niya sa akin.

Namangha ako sa kaniyang sinabi. Nagbibigay din siya sa mga bata sa bahay ampunan. Mabait talaga siya. Nagbago na talaga lalo ang paningin ko sa kaniya.

Ang dating kuripot, mapagbigay pala!

"Tulungan mo akong pumili ng mga laruan." sabi niya ulit habang tinitingnan ang mga laruan na nasa lagayan.

Tumango ako at pagkatapos ay lumapit ako sa kaniya. Tumingin din ako sa mga naka-display.

"Sige. Ilan ba?" tanong ko. Kinuha ko ang isang box ng maliliit na kotse.

"One hundred fifteen." sagot niya na ikinalaki ng aking mga mata.

"Ang dami naman." hindi makapaniwala na reaksyon ko.

"Iyon kasi ang bilang ng mga bata sa ampunan."

"Lahat ba sila ay malalaki na?" Tumingin ako sa kaniya habang tinatanong ko siya.

Busy parin siya sa paglalagay ng mga laruan sa cart. Nakita kong nagkibit balikat siya. Kailangan alam namin kung ilang taon na sila para sakto sa kanilang edad ang mabili namin.

"I don't know. Ang alam ko lang ay kung anong bilang nila." sambit niya na agad kong ikinairap.

Dapat inaalam niya din kung malalaki na ba ang mga ito. Baka mamaya may mga binata at dalaga na doon. Hindi na sila naglalaro ng mga laruan.

"Hindi mo alam ang edad? Paano kung may baby pa pala doon? O kaya binata at dalaga?" salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya.

"At tsaka dapat alam mo kung ilan ang babae at lalaki. Baka mamaya makabili tayo ng madaming panlalaking laruan tapos iyon pala ay mas madami ang babae." Wika ko habang naglalagay din ng mga laruan sa big cart.

Kumuha ako ng ilang laruan na magkakatulad. Mahirap kasi kung pag-iibahin ibahin pa ang mga laruang ipamimigay. Mahihirapan kaming mamili.

"Itext mo. Tanong mo kung ilan ang babae at lalaki, pati itanong mo din kung may mga baby." ma-awtoridad kong utos sa kaniya.

Sa tono ko ay parang ako na ang boss. Akala ko ay magrereklamo siya pero nagulat ako noong hindi siya nagalit.

"Wait, I will text the one who's in charge in the orphanage." sabi niya.

Panandalian kaming tumigil dahil nagte-text muna siya. Habang ginagawa niya iyon ay pumili na ulit ako ng ibang laruan.

Ilang minuto na siyang nakikipag-text at marami na din akong napipili. Bente na laruan na ang nailagay ko sa cart. Papuno na ang big cart dahil sa medyo malalaki ang mga laruang pinili namin.

"I got the information. Fifty-five daw ang lalaki at fifty-seven ang babae." sagot niya.

Bente na ang laruan ng mga pang-babae ang nakuha ko. Thirty seven pa ang dapat kong makuha. Mga barbie at stuff toys na lang siguro ang iba.

Tapos doon sa tatlong mga baby naman ay damit na lang siguro.

"Baby?" mahinang tanong ko sa kaniya habang tinitingnan ang mga laruan na nasa stall.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now