Kabanata 30

65.9K 1.9K 361
                                    

Kabanata 30

Narinig kong may nag-door bell kaya agad akong lumabas upang tingnan kung sino iyon. Nasa likod si Aling Sares dahil nagdidilig siya ng mga halaman.

Ako naman ay kakatapos lang mag-vacuum ng salas. Noong makalabas ako ay nakita ko ang isang lalaki na naka-saklob ng kulay asul.

May naka-imprenta sa saklob at tshirt niya Lexington corp. Kunot noo akong lumapit sa kaniya.

"Good morning po, Maam. Nandyan po ba si Mr. Orion Rave Jarek Villarde- McGallster?" tanong niya.

Dahan dahan akong tumango sa kaniya. "Opo. Nasa loob po siya. Tatawagin ko lang ha? Saglit lang po."

"Sige po."

Matapos kong sabihin iyon ay umakyat agad ako sa taas at tinawag ko si Orion. Busy siya sa pagbabasa ng isang kontrata pero noong sinabi kong may naghahanap sa kaniya ay agad siyang sumama sa akin pababa.

Binati agad siya noong lalaki. "Sir, I'm Noth from Lexington Company. Ibinibigay po nila ang isang Big bike para sa inyo."

"Ah, I read that in my email last week. I told them that it's not really necessary to give it to me." seryoso na sagot ni Orion sa lalaki.

"They want to acknowledge you as one of their notorious ambassador of this latest model of Lexington Motorcycle." malawak ang ngiti na sabi ng lalaki.

"Tumaas po lalo ang sales ng company namin dahil kayo ang nag-advertise nito." muling sabi nito.

"The CEO is very glad about that success." muling pagduduksong na sabi ng lalaki.

"I already told the CEO that I won't accept that." matigas na sabi ni Orion.

"Pero Sir, binigyan niya po kami ng notice na pag hindi namin naibigay sayo ay tatanggalin niya kami sa trabaho." nang mapatingin ako sa lalaki ay tila balisa na ito at hindi mapakali.

Kunot noo tuloy akong napanguso. Paniguradong ayaw lang magkaroon ng may-ari ng kompanya ng utang na loob kay Sibuyas kaya pilit iyon na ipinabibigay o kaya talagang natuwa lang sa kaniya ang may ari?

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Sibuyas sa tabi ko.

"Okay, I will accept that." sambit ni Orion.

Nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha ng lalaki. May inilabas itong mga papel at pagkatapos ay inilahad niya ito kay Orion.

"Pirmahan mo lang po ito, Sir. Bilang katibayan na nareceive niyo po ito." Masayang sabi ng lalaki.

Nakita kong mabilis na pinirmahan ni Orion ang isang papel. Matapos noon ay iniutos noong lalaki sa ibang kasama na ilabas sa malaking container van ang ibinigay nila kay Orion.

Nanlaki ang aking mata noong inilabas nila ito. Isang sobrang magarang motor ang ibinigay kay Orion?

Napanganga ako noong makita ko iyon. "Pakshet! Ang ganda naman ng motor na yan?" tanong ko habang nanlalaki ang mata.

Nakita ko na iyan sa magazine at lubos akong namangha sa motor na ito.

Mahilig din ako sa motor dahil mahilig din ang mga kapatid ko dito. Lagi kaming nanonood sa plaza ng mga parada ng motor tuwing Biyernes ng hapon. Ito ang laging pinagkakalibangan namin tuwing wala kaming ginagawa sa nasabing araw. Mas mahal pa nga ng mga kapatid kong lalaki ang mga motor kesa sa akin.

Naalala ko dati na halos ipagpalit nila ako sa motor. May ka eskwela kasi sila na may gusto sa akin, medyo may kaya ang lalaki at may motor at noong humingi ito ng pabor sa mga kapatid ko upang i-date ako tapos ang kapalit noon ay ang pagpapahiram sa kanila ng motor. Walang pagdadalawang isip na ipinagkanulo ako ng mga hinayupak na iyon para lang makasakay sila sa motor.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now