Kabanata 20

70.9K 2K 200
                                    

Kabanata 20

Muntik na akong mabingi sa sobrang lakas ng tugtog na aking naririnig. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Kagulo ang mga taong nagkakasiyahan sa gitna ng dancefloor. Maraming sumasayaw at tumatalon sa gitna. Napangiwi pa nga ako noong makakita ako ng babae at lalaki na wagas kung manlingkisan na parang sawa sa gitna.

Ang lalandi. Ganito ba talaga sa bar? Ang hyper ng energy nilang lahat.

Nakasunod lang ako kay Orion habang tinitignan ko ang paligid. Napabilis ang paglalakad niya kaya hinabol ko siya.

Naalala ko ang nangyari kanina.

Kanina noong nasa supermarket kami ay may tumawag sa kaniya. Wala naman akong pakialam doon at hindi ko na lang siya pinansin habang kausap niya ang nasa kabilang linya pero si Orion ay nakatingin sa akin na tila nagpapaalam.

Napaisip nga ako kanina kung bakit siya ganito?

Nang matapos ang pag-uusap nila ay ibinaba niya agad ang kaniyang cellphone, at pagkatapos ay tinitigan niya ako.

"Do you want to go to the bar tonight?" tanong niya na naintindihan ko naman.

Bar? Iyong may party party? Kung saan maraming martilyo na ang tunog ay pokpok? Again again? Pokpok!

"Bakit?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

Bakit niya ako niyayakag? Anong nangyayari sa kaniya at ganito siya? Lagi niya akong isinasama sa gala niya. Lagi niya na akong kabuntot! Hindi naman ako aso!

Hindi pa ako nakakapunta doon sa bar pero ayoko din naman pumunta dahil magulo daw sa ganon.

Maraming lasing at basagulero doon.

"I think you're bored in my mansion so, I want you to come with me and enjoy the night." walang reaksyon niyang sabi at iniiwas niya ang tingin sa akin.

Gusto kong sumama ka sa akin? Ayon lang ang naintindihan ko.

"Tagalog." tipid kong sabi na tila parang nag-uutos.

Narinig kong napabuntong hininga siya. "You still need to learn more. Keep on studying. I'll give you time for that." Sabi niya

"Kailangan mong masanay na kinakausap din kita ng ingles para naman mabilis kang matuto." sabi niya. Inirapan ko lang siya.

Sus ang dami niyang alam. Masanay? Baka imbis na masanay ako ay dumugo lang ilong ko sa sunod-sunod niyang pagbato sa akin ng salitang ingles.

"Natututo na naman ako pero hinay hinay lang nga dapat! Baka kasi dumugo ang ilong ko." Sabi ko at pagkatapos ay hinawakan ko ang may katangusan kong ilong.

Tiningnan niya ulit ako habang nakakunot ang kaniyang noo.

Baka dumugo ito pag na eks.... expose sa ingles na salita.

"Dapat nating dahan-dahanin ang mga bagay bagay." sabi ko at pagkatapos ay malawak ko siyang nginitian.

Napansin kong napalunok siya at pagkatapos ay umiwas ulit siya ng tingin sa akin.

"Dannazione, non sorridere così. Vederti sorridere mi rende ancora più simile a te." aniya sa salitang hindi pamilyar sa akin.

Aangil na sana ako upang ipa-tagalog sa kaniya ngunit nagsalita na agad siya.

"Okay. Kung iyan ang gusto mo pagbibigayan kita. Let's take everything slow." sabi niya habang tumitingin sa labas ng sasakyan.

"Oo nga pala, Sagutin mo ang tanong ko pero sa tagalog na bersyon. Bakit mo ako gustong isama?" nakanguso kong pag-uulit sa tanong ko kanina.

The Billionaire's Sexy WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon