Kabanata 24

62.1K 2K 193
                                    

Kabanata 24

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Ipinagsawalang bahala ko ang nararamdaman ko. Pilit kong nililimutan ang pagkindat niya sa akin.

"Oh sige. Sabi mo iyan eh." sabi ko sa kaniya.

"Tanong ko lang, lagi ka bang mag-isa tuwing pasko?" pag-iiba ko sa usapan.

"No. Ito ang unang pagkakataon na mag-isa ako." sagot niya.

Pwede naman siyang umuwi kung nasaan ang mga magulang niya pero bakit ayaw niya?

"Bakit ayaw mong pumunta sa mga magulang mo? Nasaan nga ulit sila?" tanong ko sa kaniya.

"They're in Italy." sagot niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya.

Sa Italy? Bigla kong naalala ang sinabi niya kanina. Isa nga pala siyang italian pasta na masarap. Sabi ni Daniela.

"Ah, oo nga pala. Naalala ko na. Umuwi ka kaya doon." suhestiyon ko sa kaniya.

Umiling siya at pagkatapos ay nagkibit balikat.

"I don't want to face my mother."

Napairap ako sa sinabi niya. Sus, kadali naman ng sagot sa problema niya. Magpapasko, dapat ang lahat ay magkakabati at nagmamahalan.

"Edi harapin mo na. Sus, daming arte nito."

"It's hard to do that. We are not in good terms. She's mad at me. Ayaw niya akong makita hangga't hindi ako nakikipagbalikan sa ex ko." seryoso na sabi niya.

Narinig kong napabuntong hininga siya. "And you know that I can't do what she wants."

"Ay grabe naman ang mudrakels mo." sambit ko.

Pero ang tanga parin kasi niya dahil ayaw niyang sabihin ang totoo. Nako! Naalala ko na naman ang katangahan niya.

Huminga ako ng malalim upang pigilan ang inis na umuusbong. Kinuha ko na lang ang huling damit na bibilin namin at inilagay ko ito sa cart.

"What did you mean by that? Mudra--what?" nagtataka na tanong niya.

"M-u-d-r-a-k-e-l-s! Mudrakels. Tawag sa ina, sa ingles ay mother." malinaw na pagpapaliwanag ko sa kaniya. Ini-spelling ko pa iyon para gets niya.

Napailing siya ng marahan, at pagkatapos ay napansin kong napangiti siya ng tipid.

"I'm really wondering where are you getting that unfamiliar words that you're saying." mahina siyang napatawa. Saglit lang iyon pero parang nakarinig ako ng mga anghel.

Huh? Anong pinagsasabi ko? Ipinilig ko ang aking ulo upang alisin ang ideyang iyon.

"Ano?" kunwari ay hindi ko na gets.

"Nagtataka ako kung saan mo kinukuha ang mga salitang sinasabi mo." Ulit niyang sabi.

Tumawa ako noong maisip ko si Danielang bakla. Siya ang nagturo sa akin ng mga katarantaduhan at kabastusan. Pero kahit nilumutan niya ang utak ko ay mahal ko iyon.

"Ah! Sa mga bakla. May bakla akong kaibigan ah. Minsan sa kalye, basta mga salitang pang kanto iyon." natatawa kong sabi.

"It's unbelievable."

"Mabalik tayo sa usapan, iniiba mo naman ang topic natin eh! Umuwi ka tapos makipag-ayos ka sa nanay mo. Sabihin mo ang totoo. Tanga tanga mo naman eh. Isinangkalan mo sarili mo. Bobo ka ba?" mahaba kong panenermon sa kaniya. Lumakad kami papunta sa counter upang magbayad.

"Nako. Naalala ko na naman. Umiinit na naman ang ulo ko sayo." mahina kong sabi ngunit may gigil sa tono ng boses ko.

"Amara, I'm not stupid. You already knew what's my reason is. Huwag na nating pag-usapan ulit ang bagay na ito." seryoso niyang sabi. Umirap na lang ako sa kawalan.

The Billionaire's Sexy WhoreTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang