Kabanata 2

131K 2.7K 149
                                    

Kabanata 2

Kumatok ako sa pintuan namin. Ilang segundo lang ang lumipas at bumukas na ang pinto. Bumungad sa akin ang isa sa mga kapatid kong hilaw.

"Ate Amara, bakit ngayon ka lang? Umaga na ah. Nag-alala po kami sa iyo," bungad na tanong ni Totoy Bibo na sampung taong gulang na.

Suot niya ang kupas na pulang t-shirt at short na maong na sira-sira na.

Hindi ko maiwasang maging malungkot. Miski maayos na damit ay hindi ko sila kayang bilhan.

Ginulo ko ang buhok niya bago ako pumasok sa pinto. Sumunod naman agad siya sa akin.

"May biglaang raket ang Ate Dyosa niyo. Pasensya na dahil hindi ako nakauwi kagabi. Nakakain na ba kayo ng umagahan?" pagsisinungaling na paliwanag ko.

Ayoko silang mag-alala kaya kailangan kong pagtakpan ang nangyari sa akin kagabi. Iginala ko sa buong bahay ang aking paningin upang hanapin ang iba ko pang kapatid na hilaw. Hilaw sa kadahilanang hindi ko naman talaga sila kadugo.

"Kumain na po kaming lahat, Ate. Nagluto po ako ng almusal kanina. Mayroon pa rin pong natira sa hapagkainan. Kumain ka na po," sabi niya habang nagkakamot ng braso.

"Nasaan ang mga kapatid mo?" tanong ko sa kaniya nang mapansin kong wala sa bahay ang iba pang mga bata.

Maayos ang buong bahay. Walang kalat, maaliwalas ang buong paligid. Kahit ingay ay wala akong narinig. Tahimik na tahimik ang bawat sulok ng bahay namin. Miski kaluskos ay wala. Nasaan kaya ang mga pasaway na bata? Nakakapanibago. Walang magugulo at mga nag-aawayan na mga bata tuwing nagkakapikunan. Walang tumatakbo o kaya ay nagtatawanan.

Biglang umaliwalas ang aking mukha. Unting-unti na tumaas ang gilid ng labi ko at sumilay ang ngiti sa sobrang kasiyahan. Walang maingay. Ibig sabihin ay makakatulog ako nang mahimbing.

May malawak na ngiti na tiningnan ko si Totoy Bibo at nanggigigil na pinisil ko ang kaniyang medyo may katambukan na pisngi.

Nakita ko siyang nagkamot ng ulo at sinagot niya ang tanong ko, "Pagkatapos po nilang kumain ay umalis na po sila para magbenta ng sampaguita. Nasa simbahan po sila ng Quiapo kasama si Ate Daniela. Doon daw po sila magbebenta."

Lihim akong napasigaw sa aking isip.

Yes! Kung sinuswerte nga naman. Makakabawi ako ng tulog ngayon. Walang maingay kaya mahimbing akong makakatulog.

Hindi ko talaga gustong pagtindahin ang mga kapatid kong hilaw pero mapilit talaga sila. Gusto raw nilang makatulong sa akin kahit sa paanong paraan.

Tumatango-tango ako habang naghahalungkat ng kakainin sa lamesa. Kinuha ko ang isang tuyo at kinain ko ito.

Pag nakatapos akong kumain ay tutulog ako. Babawi ako ng tulog. Kailangan kong bumawi nang pahinga. Letche naman kasi 'yung si Alejandro. Kinidnap ako! Kaya napuyat tuloy ako, at ang malupet pa roon ay nagka-eyebags ako. Isang malaking problema iyon! Ang kagandahan ko ay mababawasan nang dahil lang sa eyebags. Isang kasuklam-suklam na problema. Kailangan ko talagang mag-beauty sleep. Kailangan kong idespatsa ang eyebag.

Ngumunguyang nagsalita ako, "Bakit humiwalay ka sa kanila? Mas mabuti siguro kung sumama ka. Dapat ay hindi mo hinayaang sumama sila kay Daniela. Alam mo namang sobrang kire ng bakla na iyon. Makakita lang ng gwapo ay tumitibok na agad ang mga mata noon. Baka mawaglit ang tingin niya sa mga bata at mapabayan niya sina Sasam, Dodo, at Kiki."

Kunwari ay nag-aalala pero sa kaloob-looban ng isip ko ay nagdiriwang na ako. Walang abala sa beauty rest ko.

Nagkamot ng ulo si Totoy Bibo habang naka-ngiwi. "May session po kami ngayon ng mga kabarkada ko eh."

The Billionaire's Sexy WhoreNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ