Kabanata 25

69.6K 2.1K 276
                                    

Kabanata 25

"I like you...I like you....I like you." pag-uulit ulit kong banggit habang nakaupo sa sofa.

I said I like you. Gusto kita, Amara. Gustong gusto talaga kita. Naalala ko ang bawat katagang sinabi niya kanina.

Hanggang ngayon ay ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kahit nakauwi na kami sa mansyon niya ay hindi parin ako nahihimasmasan sa nangyari.

Tulala lang ako habang inaalala ang mga nangyari kanina. Ano bang pumasok sa isip niya at sinabi niya ito sa akin? May gusto siya sa akin? Totoo kaya iyon? O baka ginogoyo niya lang ako para matalo ako?

Nandaya ba siya para magkaroon siya ng tsansa na parusahan ako?

Hindi ko siya natanong kanina noong nasa byahe kasi lutang parin ang utak ko dahil sa kaniyang pag-amin. Hanggang makauwi kami ay tahimik lang ako at tulala.

Noong makauwi kami ay agad akong pumunta sa kusina upang uminom ng tubig. Nakita ko si Aling Sares na nagluluto ng hapunan.

Si Orion ay pumunta muna sa kaniyang opisina sa itaas dahil may aasikasuhin pa daw siyang papeles.

Umupo ako sa upuan at pagkatapos ay humalumbaba ako sa lamesa. Hindi na naman niya ako papagalitan dahil gabi na naman. Nakatulala lang ako habang malalim ang iniisip.

Orion, bakit mo ginugulo ang isip ko? Napabuntong hininga ako.

Napansin kong tapos nang magluto si Aling Sares kaya pinatay niya na ang lutuan.

"Oh, Amara, nand'yan ka na pala. Kanina ka pa ba dyan?" tanong niya habang lumalapit sa akin. Umupo siya sa harapan ko.

Tinanggal niya ang headset na suot niya at pagkatapos ay ipinatong niya ang kanyang cellphone sa lamesa.

"Babago lang po akong dating." mahinang sabi ko.

Nagtatakang tinignan niya ako. "Bakit yata mukhang matamlay ka? May sakit ka ba?"

"Mamamatay na po yata ako, Manang." malungkot na sabi ko.

Iba na ang nararamdaman ko sa katawan ko eh! Malala na yata!

"May sakit ka ba?" Nag-aalala na tanong niya sa akin.

"Hindi pa po ako sigu---" Napatigil ako sa pagsagot sa kaniya dahil biglang tumunog ang cellphone niya.

Bigla siyang napangiti ng malawak noong makita niya ang pangalan ng tumawag.

"Teka lang, Iha. Sasagutin ko lang tawag ng mahal kong asawa." sabi niya at pagkatapos ay bumungisngis siya. Sinagot niya ang tawag at binati ang nasa kabilang linya.

Tumango lang ako sa kaniya. Nakinig ako sa mga sinasabi si Aling Sares habang nakahalumbaba. Ngiting ngiti siya habang masayang kinakausap ang asawa niya.

Napanguso tuloy ako. Sana oll.

Limang minuto yata ang itinagal ng pag-uusap nila at bago pa matapos ang tawag ay walang sawa silang nag- i love you-han sa isa't isa. Nakalimang beses nga yata silang nagsabihan noon eh. Paulit ulit sila.

"Pasensya na iha. Miss na miss na kasi namin ang isa't isa eh." natatawang sabi niya habang ibinaba ang cellphone sa lamesa.

Ngumiti ako at tumango. "Okay lang naman po, Manang."

"Makikita niyo na naman po siya bukas. Hindi po ba at uuwi tayo sa kaniyang kaniya na bahay?" nakangiti na sabi ko.

Desperas na ng pasko bukas. Abente kwarto na. Ang bilis nga naman talaga ng panahon.

The Billionaire's Sexy WhoreOn viuen les histories. Descobreix ara