Kabanata 33

59.2K 1.7K 303
                                    

Kabanata 33

Masuyong halik sa noo ang gumising sa akin. Nakapikit na umunat ako at pagkatapos ay humikab. Noong magmulat ako ng mata ay nakita ko si Orion na nakaupo sa kama habang nakatalikod sa akin.

"Here's the money." bungad na sabi sa akin ni Orion noong tuluyan akong magising.

Inihagis niya ang bigkis ng libo-libong pera sa ibabaw ng kama. Hindi ko iyon kinuha, pinagmamasdan ko ang malapad na likod niya. Ni-hindi niya ako nililingon. Pinakawalan ko sa aking labi ang pagbuntong hininga.

Bakit ganito siya kung umasta? Bakit ang lamig lamig niya sa akin?

"Orion, mag-usap tayo." Mahinang tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako pinagtuunan ng pansin, nanatili lang siyang nakaupo na tila hindi ako naririnig.

Ang kulay itim niyang tuxedo na suot  ay bagay na bagay sa kaniya. Bihis na bihis na siya at handa ng umalis.

Bumangon ako sa kama at  pagkatapos ay hinawakan ko ang kaniyang balikat. Yayakapin ko sana siya ngunit bago ko pa magawa iyon ay tumayo na siya.

Narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga. Walang lingon lingon na naglakad siya sa may pintuan. Bago siya lumabas ay tumingin muna siya sa akin.

Seryoso ang reaksyon ng mukha niya. Ang tingin na ibinibigay niya sa akin ay tila kasing lamig na ng yelo.

"You lied. You said that you're a virgin, but you're not." mariin na sabi niya. Seryoso ang kaniyang mukha habang naiinis na tiningnan niya ako.

"Ano ba iyang pinagsasasabi mo? Ikaw ang nakauna sa akin!" pagpipilit na sabi ko. Bigla akong nakaramdam ng inis sa kaniya.

Hindi niya ba alam iyon!

"How come? Amara, you didn't bleed."   Sambit niya. Ang bawat pagsasalita niya ay may diin. Parang ang kaniya tono ng boses ay may panghuhusga.

"Hindi ko alam." naguguluhan na sagot ko.

Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagsisinungaling. Birhen pa ako at wala pang lalaki ang dumaan sa buhay ko.

Ngunit bakit hindi ako dinugo? Tanging sakit lang ang naramdaman ko kagabi.

"Go, save your brother." malamig na sabi niya.

Nanghina ako noong lumabas siya sa pinto. Hindi ko siya nagawang habulin pa.

Sobrang bigat ng nararamdaman ko dahil sa inaakto niya. Nakuha na naman niya ang gusto niya? Pero bakit halata ko parin ang galit niya?

Kagat labi na napahiga ulit ako sa kama. Unti unti kong naramdaman ang pagtulo ng mga luha sa aking pisngi. Hindi ko alam pero ang sakit isipin na sobrang lamig niya sa akin.

Ilang minuto akong umiyak at natulala sa kisame. Noong matauhan ako ay agad akong nagbihis at kinuha ko ang pera na ibinigay niya.

Habang lumalabas sa mansyon ay umiiyak ako dahil sa bigat ng loob. Wala parin si Aling Sares sa mansyon, hindi parin siya umuuwi galing probinsya. Ilang araw siyang pinagbakasyon ni Orion.

Dumaretso ako sa ospital kung saan naka-admit si Dodo. Pagkababa ko sa jeep ay nagmadali na agad akong pumunta sa pedestrian lane. Liliban na sana ako sa kalsada ngunit natigilan ako at nagulat noong may nanghablot sa dala kong maliit na bag.

Halos manlumo ako noong tumakbo ito palayo. Noong magising ako sa sobrang gulat ay agad ko siyang hinabol. Ngunit kahit anong bilis ko sa pagtakbo ay hindi ko siya maabutan. Mas mabilis siya sa akin.

"Magnanakaw. Tulong." malakas kong sigaw upang manghingi ng tulong sa ibang tao sa paligid.

Tumigil ako at humihingal na napatungo dahil sa pagod. Napangiwi ako noong naramdaman ko ang pagkirot ng aking pagkababae. Masakit parin ito at lalo itong sumakit dahil sa pagtakbo ko.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now