Kabanata 39

59.4K 1.8K 345
                                    

Kabanata 39

Lumipas ang isang linggo at wala paring pagbabago sa amin. Ganoon parin si Orion. Galit parin siya at sarado parin ang utak sa mga paliwanag ko.

Si Dodo naman ay nakalabas na sa ospital kaya hindi na ako namomoblema sa kaniya.

Si Driton naman ay hindi na nagpakita sa akin. Ang huling pag-uusap namin ay mula noong pumunta ako sa hotel na tinutuluyan niya. Baka umuwi na sila sa probinsya kasama si Julie Anne. Siguro ay naliwanagan na siya at sumuko sa akin. Pabor sa akin iyon dahil wala na akong poproblemahin pa sa kaniya. Si Orion na lang ang kailangan kong intindihin.

Nginitian ko si Orion noong makita ko siyang palapit sa aking tayo. Ang kaniyang reaksyon ay seryoso lang na tila ba walang pakialam sa akin. Akala ko ay sa akin siya lalapit pero agad nawala ang aking ngiti noong bigla niya akong nilampasan.

Sinundan ko siya ng tingin. Kumuha siya ng suklay sa maliit na drawer. Sa mga nakalipas na araw ay lagi siyang ganito. Iniiwasan niya ako na para bang hindi niya ako kilala. Nilalampasan lang at hindi kinakausap.

Kahit nasasaktan na ako sa ikinikilos niya ay naglakas ako ng loob upang tanungin siya. "Orion, ano bang gusto mong isuot? May inihanda na akong dalawang polo sa kama mo. Kulay blue ang isa at green naman yung isa. Mamili ka na lang sa dalawa." mahinang sabi ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at sinuklay niya lang ang kaniyang basang buhok. Nang matapos siya sa ginagawa ay tinalikuran niya ako at pagkatapos ay nakita kong inayos niya ang tuwalyang nakapulupot sa kaniyang bewang.

"I don't want to wear that." seryosong sabi niya sa akin. Nakita kong kumuha siya ng boxer shorts sa kaniyang cabinet.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya noong tinanggal niya ang tuwalya na nasa bewang niya. Kahit nakita ko na ang lahat sa kaniya ay nahihiya parin akong titigan siyang walang damit.

"Pero---"

Pinigilan niya agad ako sa pagsasalita. Kaya napatingin ako sa kaniya.

"No more buts. Leave." may inis na sabi niya sa akin.

Kinagat ko ang aking labi upang pigilan siyang sigawan. Ayokong makipagtalo sa kaniya dahil baka magkaaway lang kami. Alam kong galit parin siya sa akin at ayoko ng madagdagan ang galit niya. Sinunod ko na lang ang gusto niya at umalis sa kwarto niya.

"Orion, happy birthday." masaya kong bati sa kaniya at pagkatapos ay sinalubong ko siya ng yakap.

Hindi man niya ako niyakap pabalik, ang mahalaga ay pinayagan niya akong yakapin siya.

March 1 ang kaarawan niya at ngayong araw ay thirty one na siya.

Nakangiti na humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya. Kinuha ko ang attaché case na hawak niya. Pinabayaan niya naman akong kunin ito kaya mas lalong napangiti.

Ito na ba ulit ang simula ng pagkakaigihan namin?

"Naghanda kami ni Aling Sares ng kaunting salo-salo. Mga paborito mong pagkain ang niluto namin." sabi ko sa kaniya habang may malawak na ngiti ang nakapaskil sa aking labi.

"Where's Aling Sares?" seryosong tanong niya sa akin.

Tiningnan niya ang buong paligid upang hanapin si Manang.

"Umalis muna siya para bumili ng cake." masigla kong sagot sa kaniya. Ipinatong ko sa sofa ang kaniyang attaché case.

Nilapitan ko agad siya at pagkatapos ay tinanggal ko ang kaniyang coat na suot.

"Kakain ka na ba? Ang aga mong umuwi. Sayang hindi ka tuloy namin agad na surprise. Naunahan mong umuwi si Aling Sares dala ang cake. Pero okay lang iyan, mamaya ka na lang namin kakantahan." masaya kong sabi habang tinitiklop ang coat niya.

The Billionaire's Sexy WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon