Kabanata 12

73.8K 2.1K 322
                                    

Kabanata 12

"Anong sabi mo?" hinihingal na tanong ko habang nakakapit sa kaniya.

Nakapulupot ang aking braso sa kaniyang leeg. Siya naman ay kalong kalong ako habang nakasalalay siya sa aking bewang. Sobrang lapit nang mukha namin sa isa't isa kaya ramdam ko ang mabango niyang hininga na tumatama sa aking mukha.

"Ang sabi ko, magpapakamatay ka ba? Kung oo ay ako na lang ang lulunod sayo." may sarkastiko sa tono na sambit niya.

Sisinghalan ko na sana siya ngunit bigla akong natigilan dahil sa sunod niyang sinabi. "Hindi sa tubig kundi sa pagmamahal ko."

Nahulog ang aking panga dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o sadyang nagloloko lang.

Lunudin sa pagmamahal niya? May sira ba siya sa utak o humuhugot ba siya?

Nang makabawi ako sa pagkakagulat ay inirapan ko siya. Hindi niya ako mapapalambot sa mga pambobola niya.

"Kung ikaw kaya ang lunudin ko?" may inis na sabi ko.

Kung noong bago ko pa lang siyang nakikita ay kikiligin na ako sa mga banat niya? Ngunit ngayong kilalang kilala ko na siya bilang amo ko ay hindi na niya ako mapapakilig! Masama ang budhi niya! Kuripot! Suplado! Churn op na ako sa kaniya!

Naramdaman ko na mas hinigpitan niya ang kaniyang pag yakap sa akin. Hindi ko maiwasang mapasinghap dahil sa kaniyang ginawa.

"Sige. Ayos lang sa akin. Simulan mo nang lunudin ako sa pagmamahal mo." nang-aasar na sabi niya at pagkatapos ay tumaas ang gilid ng labi niya na tila ngumingisi.

Mapanlinlang! Gusto niya lang akong mahulog sa bitag niya! Paniguradong gusto niya akong mahulog sa kaniya tapos paghulog na hulog na ako ay tsaka niya ako itatapon sa kangkungan! Adsdanse lang talaga akong mag-isip.

May tawag doon eh. Iyong laging sinasabi ni Daniela tuwing pinapaasa siya ng mga gwapong lalaki. Ano nga iyon? Ay oo. Pa-fold s'ya. Pa-fold!

"Gago! Hindi sa pagmamahal, dahil sa tubig kita lulunudin para patay ka agad!" pambabara ko sa paghugot niya.

Napansin kong unting-unting nawala ang nakapaskil na ngisi sa mukha niya.

"Masyado ka naman yatang sadista? Ayoko sa sadista." sambit niya.

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking bewang. Napalunok ako. Mas lalo akong napalapit sa mukha niya.

"Ha! Mas ayoko naman sayo! Akala mo ba gusto kita? Ulol! Gwapo ka lang pero hindi kita type." Nang iinis na sabi ko.

Inaamin ko noong una! Muntik na akong magkagusto sa kaniya pero naudlot lang dahil kaaway ko siya!

"Paano ba 'yan? Type kasi kita! Pwede ba kitang anakan?" nahulog ang panga ko sa gulat.

May sapi yata siya! Ibang iba siya ngayon! Bakit maloko siya ngayon? Nakakain ba siya ng panis na kanin? Pero bagong saing naman y'ung pinakain ko sa kaniya kanina!

Bigla kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko sa kaniyang sinabi. Anakan?

"Tang ina! Lasing ka ba? Kung ano ano kasi ang pinagsasasabi mo!" hindi makapaniwala na tanong ko.

Nakuha yata ng alien ang totoong sibuyas!

"I'm not drunk." sagot niya.

Napairap ako sa kaniyang isinagot. Isa  pang ingles. Susuntukin ko na talaga siya!

"No...no....no ingles!" Mabagal na sambit ko.

Duduguin ako ng ilong.

"Okay, damn, it's hard not to speak english, it's my mother tongue." napagmasdan ko kung paano unting unting nagsalubong ang kaniyang mga kilay.

The Billionaire's Sexy WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon