Kabanata 10

76K 2K 148
                                    

Kabanata 10

"Hija?" napalingon ako nang bigla akong tawagin ni Aling Sares. Napatigil ako sa pagwawalis sa makintab na tiles sa salas ng mansyon ni Oryon.

"Bakit po, Aling Sares?" tanong ko sa kaniya habang ibinababa ang hawak kong tambo.

"Marunong ka bang magluto?" tanong niya habang sinisenyasan niya akong lumapit.

Walang pagdadalawang isip na lumapit ako sa kaniya, at tumango. Ngumiti siya at isinama niya ako papunta sa kusina.

"Opo. Ano po bang lulutuin?" tanong ko habang inuusisa ang mga nakapatong na sangkap sa lamesa.

Talong, sitaw, alamang, kalabasa. Aha! Bet na bet. Ets pinakbet.

"'Yung paborito ni Sir Orion. Pinakbet na maraming alamang." sagot ni Aling Sares habang ginagayat ang okra.

"Marunong po akong magluto niyan." may pagmamalaking sabi ko.

Lumapit ako sa lababo at naghugas ng kamay.

"Pasensiya ka na hija, pwede bang humingi ng pabor? Maaari bang ikaw muna ang magluto nito, hindi ko kasi kayang magluto ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Makikisuyo muna ako sayo." sabi niya pagkatapos ay umubo siya.

Tumango ako sa kaniya at marahan kong kinuha ang kutsilyo at ako na ang nagtuloy ng ginagawa niya.

"Ayos lang po, Aling Sares. Nakapagpahinga na naman po ako at tsaka boring po pag walang ginagawa. At tsaka mag pahinga na po muna kayo."

"Salamat, hija. Ngayon lang naman. Paniguradong maganda na ang pakiramdam ko bukas." Aniya. Ngumiti lang ako sa kaniya at pagkatapos ay kinuha ko ang kawali sa cabinet.

"Sige po, Aling Sares. Ako na pong bahala dito. Magpahinga na lang po kayo sa kwarto mo."

Pumayag naman si Aling Sares at naglakad na din paalis upang makapagpahinga. Itinuloy ko naman ang pagluluto ng pinakbet.

Nang matapos ako ay agad na akong naghain at tinawag si Oryon. Walang sali-salitang kumain siya.

Hindi niya ako pinapansin kaya naman hindi ko rin siya iniimikan. Bago pa siya matapos ay umalis na din ako sa kusina at itinuloy ko ang hindi ko pa natatapos na gawain.

"Who's the one who cooked pinakbet last night?" tanong ni Orion kay Aling Sares na hindi ko naman naintindihan.

"Si Amara po, Sir Orion." sabi ni Aling Sares. Napalingon ako sa kanila nang marinig ko ang pangalan ko.

Kunot noo kong tiningnan si Aling Sares. Halata sa aking reaksyon ang pagtataka kaya nginitian ako ni Aling Sares. Napalipat ang atensyon ko kay Oryon nang marinig ko siyang tumikhim.

Tumingin siya sa akin at pagkatapos ay tumango nang marahan. Sumulyap ako kay Aling Sares. Nakangiti parin siya sa akin.

"Amara." tawag ni Orion sa akin kaya napalingon ako sa kaniya.

Nagpunas muna ako ng kamay upang tuyuin ito. Naghuhugas kasi ako ng pinggan.

"Bakit, sibuyas?" Walang galang na tanong ko.

"Sibuyas?" kunot noo niyang tanong sa akin na tila ba naguguluhan.

"Oh bakit? May reklamo ka? Eh iyon ang gusto kong itawag ko sayo! Oryon ang pangalan mo ah? Katunog ng Onion, at dahil walang hiya ako ay Sibuyas ang itatawag ko sa iyo." balasubas na paliwanag ko sa kaniya habang nakangisi.

Nagsalubong ang kilay niya. Halata sa mukha niya ang inis at pagka-pikon.

"You really want to pissed me off, didn't you? Sorry to say this but it's not gonna work on me." ngumisi siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Ako naman ang napasimangot dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now