Kabanata 4

98.7K 2.6K 181
                                    

Kabanata 4

"Demalas, may dalaw ka," narinig kong sigaw ng isang lalaki. Malagong at may bahid na inis ang tono ng kaniyang boses.

Inis na napakamot ako sa aking ulo at  pagkatapos ay nagmulat ako ng mata. Bago ako tumayo ay kinusot ko muna ang aking mga mata. Nang makatapos ako sa pagtatanggal ng muta ay nakabusangot ang mukha na tiningnan ko ang lalaking nambulabog sa pagtulog ko. Isang linggo na ako rito pero ngayon lang may nagtangka na gumising sa akin.

Nakakabadtrip! Naabala tuloy ang kasarapan nang paghihilik ko. Abala talaga sa pagtulog ang hinayupak na ito. Ayos na sana! Ang himbing na nang tulog ko tapos may hinayupak na gigising! Ang sarap lang magmura.

At ang nakakainis pa, imbis na tawagin na lang upang gisingin, ang ginawa niya pang paraan ay bulabugin ako nang malakas at maingay na tunog galing sa kinakalampag na rehas.

Ang sarap niyang suntukin sa mukha. Nakakasira ng araw.

Padabog na tumayo ako. Muli kong sinamaan ng tingin ang lalaki na nasa labas ng rehas. Naningkit ang mga mata ko nang makilala ko ang salarin. Isang matabang pulis na walang buhok. Sa madaling salita ay kalbo.

Kung minamalas ka nga naman, oo! 'Yung kaaway ko pa talaga na pulis ang bubuwisit sa akin.

Pinanlisikan ko siya ng mata. "Ano? Ke-aga aga tapos nambubulabog ka! Gusto mo bang makatikim ng suntok. Bwisit!" Padabog na lumapit ako sa may rehas at pagkatapos ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Tumahimik ka!" sabi niya habang pinanlalakihan ako ng mata. Sa ginawa niya ay mas lalo tuloy lumaki ang mata niya. Nagmukha tuloy siyang tarsier.

"Tumahimik ka rin, panget!" nang-aasar na sigaw ko.

"Aba't talagang sinusura mo ako, ah! Baka gusto mong ipatapon kita sa Muntinlupa!" nagngingitngit na sigaw niya pabalik.

Mainit talaga ang dugo niya sa akin. Tuwing nagbabakasyon ako rito sa kulungan ay lagi ko siyang kaaway at kabangayan. Inis kasi ako sa pagmumukha niya tapos bwisit din siya sa akin kasi lagi ko siyang minumura.

"Hoy, Kalbo Dalisay! Huwag mo akong masigaw-sigawan, huh? Hindi porket kapamilya ka ni Cardo Dalisay ay matatakot na ako sa'yo! Hindi! Hindi ako takot sa vendetta!" pabalik na sigaw ko sa kaniya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kulubot ang mukha niya habang binubuksan niya ang lock ng selda.

"Talagang nakakabwisit ang isang 'to! Lumabas ka na nga!" pagre-reklamo na wika niya.

"Tse! Ikaw nga itong nakakabwisit! Pati pagtulog ko ay inaabala mo!! Ano bang kailangan mo kalbo?" pang-aasar na sabi ko sa kaniya.

Nginisian ko siya samantalang mas lalong bumusangot ang mukha niya. Nakakatuwa siyang asarin. Nagmumukha siyang Penguin. Pandak kasi siya at mataba, tapos patilos pa iyong nguso niya.

Ang cute! Ang cute niyang ihagis.

"Ayoko talaga pag lagi kang nandito! Nababadtrip ako sa'yo," inis na pagbibigay alam niya sa akin.

Inirapan ko siya at pagkatapos ay sinagot ko ang pagrereklamo niya, "Tonta! Ayoko rin naman dito! Sino bang tao ang gustong makulong tapos may nakabantay na katulad mong kalbo! Hoy, mas mabuti pa sa labas no, walang mukhang alien na katulad mo."

Napansin ko ang paglaki ng butas ng ilong niya, tanda na badtrip na badtrip na siya sa akin. Mas lalong sumilay ang mapang-asar na ngiti sa aking mukha.

"Bwisit talaga ang babaeng ito! Maganda nga pero balahura ang bunganga," mahinang bulong niya na hindi ko narinig nang malinaw.

Maganda lang ang narinig ng tainga ko, eh. Sinasabi ko na nga ba! May paghanga rin siyang nararamdaman sa akin pero asa pa na patulan ko siya. Ang ngetpa niya.

The Billionaire's Sexy WhoreDonde viven las historias. Descúbrelo ahora