Kabanata 1

208K 3.4K 418
                                    

The Beginning


"Tabi!" matinis na sigaw ko upang paalisin ang mga taong nakaharang sa aking dadaanan.

Mahirap tumakbo lalo na kung madaming tao ang nasa paligid. Pinagpilitan kong sumingit sa kanila para makadaan ako.

May ibang taong hindi tumatabi kaya naman inulit kong muli ang aking isinisigaw. Nanatili lang silang nakatayo roon. Sa sobrang inis ko sa kanila ay walang pagdadalawang isip na itinulak ko ang mga ito. Binanggga at itinulak. Narinig ko ang ilang boses na nagrereklamo pero hindi ko sila pinansin at tumakbo lang ako. Wala akong pakialam sa kanila.

Ayaw nilang tumabi! E'di dadaanin ko sila sa marahas na paraan. Pinakiusapan ko sila ngunit hindi sila nakinig. Walang ibang paraan kung hindi ang gumamit ng marahas na paraan. Pasensyahan na lang. Buhay ko ang nakataya rito.

"Nyeta! Ang sikip pero push na. Malapit na. Powta! Konting tiis na lang," bulong ko habang nakikipagsiksikan sa kumpol ng mga tao.

Hindi ako lumilingon baka kasi mamukhaan ako ng mga punyetang humahabol sa akin. Baka mamaya makita ko na lang ang magandang pagmumukha ko na naka-sketch tapos nakasabit sa iba't ibang poste at pader. Magiging Femus ako noon at ayokong maging Femus.

Nang makalusot ako sa kumpol na mga tao ay mabilis akong tumakbo. Sa sobrang bilis ay halos malaglag ang aking dala-dala. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa eco bag na bitbit. Ikinipit ko pa ito lalo para hindi ko ito mabitawan. Mahalaga ang mga laman nito. Madami ang maitutulong sa amin ang laman ng mahiwang eco bag na ito.

Lumingon ako sa likuran habang tumatakbo. Marahas akong napamura dahil hinahabol pa rin ako ng mga pulis.

"Punyeta! Ang tibay din ng mga ito!" naiinis na sabi ko habang binibilisan ko pa lalo ang pagtakbo.

"Ayun s'ya! Habulin niyo! Magpapahinga lang ako saglit dito. Kayo nang bahala," rinig kong sigaw ng lalaking pulis. Sa hula ko ay iyon 'yung mataba na parak.

Inis akong napamura, "Putang na! Akalain mo nga naman at nakihabol din 'yung buddha na iyon!"

Binilisan ko pa lalo ang aking pagtakbo. Luminga-linga ako sa paligid para makahanap ng pagtataguan. Nang wala akong makita na matataguan ay marahas akong napamura.

"Sumuko ka na, Miss. Huwag ka nang tumakas!" sigaw noong isang pulis. Halata sa boses niya ang pagod at hingal.

Ano ako bobo? Hindi ako titigil dahil paniguradong pagnahuli ako ay sa kulungan na naman ang bagsak ko. Ayoko na ulit humimas ng kinakalawang na selda no! Kahit ilang beses lang ang naging karanasan ko sa kulungan noon ay nakakapangilabot talaga. Napakapanghe at baho roon. Hindi na yata naglilinis doon, eh! Mabuti na lang at napiyansahan ako ng kaibigan kong juding. Nakakasuka ang selda roon.

"Takbo pa mga bulok. Habulin niyo ang dyosa!" nangaasar na sigaw ko sa kanila.

Tumawa ako nang malakas at itinaas ko ang aking kamay para mag-pak you sign. Mga gunggong!  Anong akala nila sa akin? Talunan? Hindi nila ako mahuhuli. Panlaban ako sa track and field noong nasa elementarya pa ako.

Ibinalik ko ang aking tingin sa daan habang tumatakbo nang mabilis. Huwag naman sana nila akong maabutan dahil kung hindi ay makukulong ako.

Ayoko nang makulong ulit. Wala pa akong naiipon na panggastos. Kawawa ang mga batang pinapakain ko. Baka mamatay sila sa tomguts. Ayoko silang mamatay sa gutom. Kawawa ang mga makukulit kong alaga.

Nang makita ko ang isang kanto ay lumiko ako. Pagkalabas ko sa kabila ay napangiti ako nang makitang madami na ulit na tao sa parteng ito. Naghanap ako nang mapagtataguan. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Sa sobrang bilis ay hindi ko na napapansin pa ang dinadaanan ko.

The Billionaire's Sexy WhoreNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ