Chapter 92 Ease The Pain

15.8K 251 6
                                    

"I'm here to save you." He said. Lumapit siya kay Mesaiyah at umupo sa tabi ng kaibigan na umiiyak. Isinandal niya ang kanyang ulo sa kama habang ang kamay ay nakapatong sa kanyang tuhod.

"Let me be the one to ease your pain. Kahit ngayon lang bilang kaibigan mo, bilang bestfriend mo." Sabi niya at niyakap niya ng mahigpit si Mesaiyah, nakasandal ang ulo ng babae sa dibdib ng lalaking kaibigan habang nababasa ng kanyang luha ang damit nito. Patuloy ang pagluha niya, mahigpit siyang nakahawak sa braso ni Angelo habang mahinang tinatapik-tapik nito ang likod ni Mesaiyah. Nang mahimasmasan na siya sa pag-iyak , nagpasalamat ito sa kaibigan.

"Thank you." Sabi niya.

"Responsibilidad ko bilang kaibigan mo na icomfort ka. Wag ka ng magpasalamat. Ngayon nalang ulit ako babawi sayo. Ang dami kong pagkukulang sa'yo bilang kaibigan." Ngumiti lang ng pilit sa kanya si Mesaiyah. Pinunasan ni Angelo ng magkabila niyang kamay ang luha ng kanyang kaibigan.

**

Huminga muna siya ng malalim habang nakapikit ang mga mata bago katukin ang kwarto. She is fully recovered na matapos ang insidenteng muntikan na siyang marape. Nakakapaglakad na siya ng maayos, kinakabahan siya at nanginginig ang kanyang kamay na kinatok ang pinto. Nakatungo siya habang sinisipa ng sapatos ang sahig at maya-maya ay may nagbukas na ng pinto.

"M-mesaiyah?" Nagulat si Kerk sa babaeng pinagbuksan niya ng pinto. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya, parang nananaginip lang siya. Sinubukan ni Mesaiyah na ngumiti.

"Sinabi ko na nga ba. Hindi ka sumama sa kanila." Wika ni Mesaiyah habang papasok ng kwarto. Lalo siyang pinanghina nang makita niya ang kanyang ate Terra na wala pa ring pagbabago.

"Anong nangyari sayo? Bakit bigla kang nawala? Lahat nag-aalala sa'yo." Sabi ni kerk na ikinakunot ng noo ni Mesaiyah.

"Nag-aalala?" Sarkastiko niyang tanong.

"Akala ko walang nag-aalala sakin." Dagdag niya sabay binigyan ng pilit na ngiti si kerk. Umupo siya sa couch. Lumapit sa kanya si Kerk at iniabot ang kwintas.

"Iniwan ni Prince bago siya umalis." Tinitigan muna ito ni Mesaiyah bago kinuha. Napalunok siya ng laway, she take a heavy breathe dahil tutulo na naman ang kanyang luha.

"Hindi ka niya kayang iwan, sadyang napakatibay ni Prince dahil nagawa ka niyang iwan." Dagdag ni kerk sabay upo sa couch katabi ni Mesaiyah.

"Sana ipinaglaban mo siya. Naaawa ako kay Prince. Magpapakasal siya sa taong hindi niya mahal." Salita muli nito. Bumagsak na ang luhang kanina pa ni Mesaiyah pinipigilan.

"P-parehas lang ang kalagayan namin. Hindi ako nandaya, hindi rin siya nandaya, naging patas lang kami sa isa't-isa. Kapag 18 na ako, magpapakasal na kami ni Angelo. 'Yung totoong kasal." Pinunasan niya ang kanyang luha. Saglit na natahimik si Kerk. Naawa ako sa inyong dalawa. Bakit hindi pwedeng hayaang magsama ang nagmamahalan? Bakit ang daming epal? Bulong niya sa kanyang sarili.

"Wag kang maawa samin." Wika ni Mesaiyah at nagpakawala siya ng malalim na hininga.

"Hindi naman talaga kami pwede. Magkadugo kami. Ang alam ko, bawal magsama ang magkadugo. Kapag nagkaanak kami abnormal ang anak namin." Biro niya. Nagpakawala muli siya ng malalim na hininga sabay punas muli sa kanyang luha.

"Hinihiling ko nga na magka amnesia na ako, hinihiling ko na sana bukas pagkagising ko hindi ko na siya kilala, hindi ko na siya kilala.." ulit niya. Hindi makapagsalita si Kerk, napatikom siya sa sinabi ni Mesaiyah.

Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman mo parang ako, naghihintay sa wala. Kasama ko nga siya pero hindi naman makausap. Wika ni kerk sa kanyang sarili.

Tumayo si mesaiyah, pinunasan niya ang kanyang luha. "Alagaan mo ang kapatid ko hah. Ibabalik kita sa nanay mo kapag pinabayaan mo ulit siya."

"Saan ka pupunta?" She was about to leave when Kerk asked her. Hindi siya makatingin ng diretso sa mata ni Kerk.

"D-diyan lang. Sa tabi-tabi para makalimot." Sagot niya at tuluyan ng umalis.

"A-a?" May sasabihin pa sa kanya si Kerk pero hindi na nya ito nasabi dahil nakaalis na si Mesaiyah. Agad niyang kinuha ang cellphone niya at dinial ang number ni Anhiro.

"Prince si Mesaiyah."

"Ano?"

"Kagagaling niya lang dito sa hospital."

"A-ano? Totoo ba yang sinasabi mo?"

"Oo Prince." Sagot ni Kerk. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kausap.

"Babalik ako sa Pilipinas." Sagot ni Anhiro at ibinaba na ang cellphone pero lalabas na sana siya sa kanilang bahay nang hampasin siya ng kanyang lolo sa magkabilang tuhod. Bumagsak siya sa sahig dahil sa sakit.

"Wag na wag ka ng aalis hangga't wala akong sinasabi." Wika ng kanyang lolo. Tinawag ng matanda ang iba pa niyang tauhan.

"Gawin niyo ang sinabi ko."

"Hai!" Sagot ng mga tauhan. Binuhat nila si Anhiro at dinala sa isang kwarto na mukhang tambakan ng mga gamit. Yumuko muna ang mga tauhan kay Anhiro at pagkatapos nun, binulbog siya. Hindi na makapagtimpi ang kanyang lolo, naubos na ang pasensya ng matanda sa apo dahil sa ayaw sundin ang gusto niya. Ayaw niya talagang magpakasal kay kosuri.

May luha pa rin na tumutulo sa kanyang mga mata pero nakangiti siya, mabagal ang kanyang paglalakad na bawat nadadaanan niya ay kanyang pinagmamasdang mabuti at sa paglalakad niya. May nakita siyang dandelion na natangay ng hangin, sinalo niya ng kanyang mga kamay ito, pumikit siya sandali at iminulat din ang mata. Inihipan niya ito at natangay na naman ng hangin ang wishing flower, sinundan niya ito ng tingin at ng paglakad.

"Napakaganda niyang tingnan na nadadala ng hangin." Wika ni Mesaiyah sa sarili. Nawala na sa kanyang paningin ang wishing flower.

Pinunasan nya muli ng kanyang kamay ang magkabilang pisngi. Tumawid siya sa highway kahit hindi pa nakared light ang ilaw, sa pagtawid niya ay ang mga sasakyan na ang umiiwas sa kanya.

"Magpapakamatay ka ba?" Tanong ng isang driver na napatigil. Ngumiti sa kanya si Mesaiyah at tumango.

"Neng, trials exist for us not to surrender but for us to be stronger." wika ng driver. Napailing nalang ito at umalis na.

Mabagal ang paglalakad niya, hinihintay niya talagang may bumangga sa kanyang sasakyan. Mabagal na tumitibok ang kanyang puso, mahigpit na nakakapit ang kamay niya sa kanyang kwintas. Baliw na ba siya para gawin ito? O sobra siyang nasasaktan sa mga nangyari.

Kung tumigil sa pagtibok ang puso ko, hindi na ako masasaktan. Wika niya sa kanyang sarili.

Sinalubong niya ang dump truck, pilit na nagpreno ang driver subalit huli na. Nabanggaan na niya ang babae, bumagsak ito sa semento at tumama ang kanyang ulo. Bumaha ng dugo sa kanyang kinalalagyan habang ang kwintas na dala niya ay nasa kanyang kamay pa rin. Nagsitigilan ang mga nagdadaan na sasakyan.

"Kawawa naman 'yung babae."

"Tumawag kayo ng ambulansya!"

"Tumawag din kayo ng pulis!"

Ang mga nag-aalalang mga tao ay tumawag ng ambulansya at pulis. Mamamatay kaya siya? O tinupad ng wishing flower ang kanyang hinihiling?

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon