Chapter 81 Stay with him or leave?

Magsimula sa umpisa
                                    

Saglitan kong nakita si kosuri, winawagayway niya ang kamay niya samin. Bakit wala akong alam sa ginagawa ko? Dapat si Anhiro ang kasama ko ngayon. Para akong robot na sumasama sa nagcocontrol sakin.

Tama. Dapat si stranger ang kasama ko ngayon. Nasa loob na kami ng eroplano. Nakaupo na ako at katabi ko si Angelo. Nananaginip lang kaya ako? Bakit ang bilis ng pangyayari? Shet! Dapat makaalis ako dito.

"Wait me here." He said as he tap my shoulder. Sinundan ko siya ng tingin, kinausap niya yung flight attendant. Maya-maya ay bumalik na siya sa tabi ko.Ngumiti siya sakin pero no emotion ang nakikita niya sa aking mukha.

"Angelo." sabi ko. Tumingin siya sakin.

"I'm sorry. I can't..go with you." Sabi ko at tumayo na mula sa aking kinauupuan. Lalakad na sana ako ng biglang hawakan niya ang kamay ko. Hindi ako tumingin sa kanya.

"Stay with me.. Please..stay..with me. Don't leave." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko alam kung tama ang desisyon kong hindi ka samahan pero sa tingin ko hindi tamang iwan ko siya ng hindi nagpapaalam.

Lumabas na ako ng eroplano. Malakas ang tibok ng aking puso at tahimik na tumutulo ang mainit kong luha mula sa aking mga mata. Pinunasan ko ito habang naglalakad sa hallway na minsang may nakabangaan pa akong pasahero.

Nakarating na ako sa labas ng airport. Tumingala ako sa langit at nakita ko na naman si orion. Suminghap ako ng malalim. Ituro mo sa akin ang tamang direksyon orion. Saan ba dapat ako pumunta at saan ako dapat sumama?

Napasinghap ulit ako. Mahal ko si Anhiro eh. Mahal ko siya. 'Yun ang problema eh, matatanggap ko pa ang katotohanang sasama ako kay Angelo KUNG hindi ko siya mahal pero mahal ko nga eh.

Natawa ako sa aking iniisip. Parang tanga lang. Masyado ng madrama, masyado ng epic ang mga nangyayari sakin. Pwede ng isulat sa philippine history ang talambuhay ko.

Pagharap ko sa left side ko. Nakita ko si Anhiro, may hinahanap siya. Mukhang tarantang-taranta na. Nakakatawa lang siya panoorin. Hindi niya ako nakikitang pinapanood siya. Pumasok siya sa loob ng airport, naghahanap pa rin. Nagtanong sa isang guard, diniscribe ang hinahanap niya pero wala atang nakita ang guard kaya kitang-kita ang magkahalong inis, lungkot at galit sa kanyang mukha. Napahawak siya sa kanyang buhok. Lumabas ulit siya ng airport. Malapit na niyang matagpuan ang hinahanap niya.

Malapit na. Malapit na. Haharap na sana siya sakin ng biglang may humigit sakin at ipinasok sa van. Tinabunan nila ng tela ang aking mata at nilagyan din ang aking bibig. Shet! Uso na ba talaga ang kidnapping ngayon? Pangalawang beses na akong nakidnap tapos hindi pa ako nakita ni Anhiro. Ano na lang iisipin niya? Na sumama na ako kay Angelo. Asar! Sino na naman ba itong kinidnap ako?

Maya-maya, tumigil na ang van. Dito na yata ang destination ng mga kidnapper. Nakatali din ang mga kamay at paa ko kaya hindi ako makagalaw ng maayos. Abuso na kayo ah! Pinasan ako sa balikat na animo'y isang sako ako ng bigas kung pasanin at malamang talaga lalaki ang nagbubuhat sakin ngayon. Iniupo niya ako sa upuan at ilang sandali lang sa pagkakaupo ko, isang mainit at malakas na sampal ang dumampi sa kanan kong pisngi.Kahit hindi ko kita ang pamumula ay ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi na sinampal niya, hindi lang ito isa kundi nasundan pa ng dalawa,tatlo,apat at limang beses na sampal na sunod-sunod pa.

Napahikbi nalang ako at nagsimula na namang umiyak. Ang laki siguro ng galit ng babaeng sumampal sakin. Si Kosuri kaya siya o si Dianne? Wala nga pala ang cellphone ko, nahulog nung unang beses na kinidnap ako pero kanina, nakita kong hawak ito ni Anhiro at malas nga talaga..hindi niya ako nakita. Sana mahanap ng prinsipe ang kanyang prinsesa.

"Ang tibay mo talaga. Ano bang pinakain ni Anhiro sa'yo at kahit anong gawin kong paraan, ikaw ay bumabalik pa rin sa kanya at siya ay bumabalik pa rin sa'yo." Confirm. Si kosuri ang babaeng nasa tabi ko ngayon at siya rin ang sumampal sakin kanina.

"Hindi ka nababagay kay Anhiro. Maharlika ang dugo niya pero ikaw, isa ka lang alipin. Napakalayo ng agwat ng prinsipe sa isang alipin. Ha! Now I now, kung bakit gustong-gusto mo si Anhiro, gusto mo ng pera niya. Alipin ka diba? Malamang para makaahon sa hirap kailangan mo ng mayaman." May nag-alis ng tabon ng mata ko pati na ang tali sa bibig.

"Bakit ka ba ganyan Kosuri? Kung mahal at gusto mo talagang bumalik sa'yo si Anhiro, lumaban ka sakin ng patas." sagot ko.

"Bakit kailangan ko pang lumaban ng patas? Eh diba, sakin naman talaga si Anhiro. Pumunta lang siya dito sa pilipinas dahil sakin at ngayong gusto ko na siyang bumalik sakin, magagawa ko 'yun."

"Pero bakit kailangan mo pang daanin sa ganito?" Tanong ko.

"Isa ka kasing malaking epal sa aming dalawa kaya ko ito ginagawa. Umalis ka at wag ng magpakita, dun lang ako matatahimik at dun lang tatahimik ang buhay mo." Saglit na katahimikan ang namagitan samin.

"Duwag ka Kosuri." 'yun lang ang nasabi ko.

"Pakawalan mo na ako dito at gusto ko ng umuwi." Dagdag ko.

"Umuwi saan? Umuwi sa bahay ni Anhiro? Hindi kana makakauwi, ang alam niya sumama kana sa bestfriend mo. So, bakit kailangan mo pang umuwi?" Sagot niya.

"Iwanan mo na kasi siya."

"Wala akong dahilan para iwan siya."

"Meron. Meron kang dahilan para iwan siya. Oras na malaman ng kanyang lolo ang mga nangyayari dito sa pilipinas, lahat kaya niyang gawin lalo na kung malaman niya ang tungkol sa inyo. Anytime, pwede niyang ipapatay ang mga taong malalapit at konektado sa'yo."Paliwanag niya.

"Aalisin niya ang pagka prince ni Anhiro kapag nalaman niya ang sa tungkol inyo. Now you know? And tell me, naging masama ba ako? In fact I did my best para sa kaligtasan mo not just for you but for our sake." nakatitig lang ako sa sahig habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya.

"Stay with him..or leave?" Tanong niya.

"Bibigyan kita ng oras para makapagdesisyon. 3 days is enough." Gusto kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

"Maraming beses na kitang binalaan. I hope this time gumawa ka na ng tamang desisyon. Nakasalalay ang desisyon mo sa kaligtasan mo, kay Anhiro at sa mga taong malalapit sa'yo. Kung ayaw mo silang mawala lahat, make the right decision before your time ends." Umalis na siya sa harap ko samantalang inalis na nung mga lalaking dumukot sakin kanina ang tali sa aking kamay at paa. Napasinghap ako ng malalim.

Andami namang nangyari sa gabing ito. Kinidnap ako ni Angelo, hindi ako nakita ni Anhiro, kinidnap ako ni kosuri, sinampal, pinapili ng tamang desisyon at ngayon..naglalakad ako pauwi sa bahay.

Past eleven o'clock na yata. Hindi ako nakakaramdam ng takot na maglakad mag-isa dito, ewan ko ba. Gusto ko nalang magpadala sa daloy ng pangyayari sa buhay ko. Nakakapagod na kasi. Napalingon ako mula sa likuran ko dahil sa motor na mabilis ang takbo. Pahina ng pahina ang takbo nito at biglang tumigil sa harap ko. Tumama ang ilaw nito sa mga mata ko dahilan para ako'y mapapikit.

"Mesaiyah." sinabi na nga ba si Anhiro ito. Bumaba siya sa motor pero hindi ko siya pinansin kundi nagpatuloy lang sa paglakad. Nakakainis. Sana nakita mo ako kanina, hindi sana ako masasampal at hindi sana ako pipili between stay with you..or leave. Pinapahirapan ako ng tadhana. Grabe! Sana may cake sa pagpipilian ko, edi yun nalang pipiliin ko. Mas sasaya pa ako at mas mabubusog pa ako.

Naramdaman ko ang bigla niyang pagyakap mula sa likod ko. Ang kaninang malamig kong pakiramdam ay medyo uminit. Ramdam ko ang kamay niya sa bewang ko at ang ulo niyang nakasandal sa likod ko.

"Akala ko sumama kana sa bestfriend mo." Sabi niya.

"Thank you." He whispher.

Stay with him..or leave?

Stay with him..or leave?

Stay with him..or leave?

It echoes back and forth in my mind. Am I going to stay or leave?

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon