IX - Unang Pagbisita

542 6 0
                                    

Anna's Point of View

Napatigil ako sa pagwawalis dito sa bakuran nang mapansin ko yung itim na kotse na huminto sa mismong harap ng bahay namin.

Sino kaya 'to at napaka walang modo naman?! Nakita naman siguro n'ya yung 'No parking' sign sa labas ano?

Susugurin ko na sana yung sasakyan pero biglang may lumabas na lalake mula doon. Mukhang binatang mayaman.

Medyo nanlaki yung mata ko dahil sa ginawa n'ya. Bakit s'ya palapit sa'kin?

"Magandang araw po" bati n'ya sa'kin. Syempre medyo nagulat ako kaya hindi ako nakasagot kaagad.

"Ahhh m-magandang araw din. . Anong kailangan n'yo? Sino po sila?"

"Kayo po talaga ang kailangan ko. . . Tsaka po si Angelette sana. Ako po si Liam"

Anuraw? Kailangan n'ya si Angelette? Bakit nga pala n'ya kilala ang anak ko?

"Ahh ganun ba? Sige, gigisingin ko muna s'ya sa taas"

"Sige po" nginitian n'ya'ko. Ano kayang pakay ng lalakeng ito?

Angelette's Point of View

"Nak. ." nagising ako dahil sa mahihinang galaw sa balikat ko. "Nak gising. May naghahanap sa'yo sa baba"

Kahit masakit at mahapdi yung mga mata ko dahil sa kakaiyak kagabi, nagawa ko padin idilat nang pa-bigla.

Dinapuan ako ng konting kaba sa sinabi ni Mama.

"Sino daw po?"

"Ahmmm. . Ay ano ba'yan! Nalimutan ko kaagad pangalan! Basta hinahanap ka eh. May kailangan daw sa'ting dalawa"

Napa-upo ako sa kama bigla. "Sa'ting dalawa?"

Imposible namang kamag-anak namin dahil hindi kilala ni Mama.

Imposible ding kaklase o kaibigan ko dahil wala akong pinagsasabihan ng bahay ko bukod kay Fionna. . .

At

Kay Liam.

Unti-unting nanlaki yung mata ko. S'ya nga kaya?!

"Ang gwapong lalaki anak. . Parang foreigner ba!"

Eto sure na talaga!

"Liam po ba pangalan Ma?"

"Hala oo anak!"

Para akong tinapunan ng malamig na malamig na tubig. Lahat ng antok sa katawan ko bigla-biglang nawala.

A-anong ginagawa n'ya dito?!

"Asan s'ya Ma?"

"Nandun sa gate" wala na'kong inaksayang oras. Dali-dali kong kinuha yung tsinelas sa ilalim ng kama ko saka pumuntang banyo para magsipilyo.



Pag-bukas ko ng gate namin, nakita ko s'yang naka-sandal sa kotse n'ya sa kabilang kalsada.

At hindi ko maiwasang pagpantasyahan s'ya sa itsura n'ya ngayon.

"Liam" sabi ko na para namang maririnig n'ya ako mula dito.

Tumawid ako ng kalsada saka tumikhim para mapansin n'ya ako. Busy s'ya sa pagpapaikot ng hawak-hawak n'yang susi.

Cruel TemptationWhere stories live. Discover now