XXIII - Text Message

416 8 0
                                    

"Babe? . ." bahagyang niyugyog ni Liam yung balikat ko para magising ako mula sa pagtulog.

"Hm?" daing ko saka lumingon sa kabilang side dahil tamad na tamad pa talaga akong bumangon. Rinig na rinig ko pa yung huni ng mga ibon sa malaking puno na katabi lang ng malaking bintana namin.

"I'm leaving. . ."

Automatic na napamulat ako sa sinabi n'ya.

Psh, Lunes na pala ngayon. May pasok na si Liam sa iskwela.

Bumangon ako saka nag-inat-inat ng katawan. . . Pinagmasdan ko si Liam na frustrated na frustrated nanaman sa pagsuot n'ya ng neck-tie habang nakatayo sa tapat ng malaking salamin.

Hindi ko napigilan mapa-ngisi. Lagi nalang Liam.

Dali-dali akong pumuntang banyo para magsepilyo.

Pagkatapos ko sa banyo, tawang-tawa kong nilapitan si Liam dahil hanggang ngayon hindi n'ya parin nabubuhol yung tie n'ya.

Hinarap ko s'ya sa'kin saka dahan-dahang inayos yung tie n'ya.

"Hanggang ngayon hindi mo padin alam magkabit ng neck tie" pang-aasar ko.

"Well you're here, so why do I even need to learn that Goddamn thing?"

Napasinghap ako dahil sa banat n'ya. Palusot pa s'ya na kesyo nandito na daw ako kaya hindi n'ya na kelangan aralin. Sus! Sabihin mo hindi mo lang talaga gets yung mga instruction hahaha!

"Oh ayan na. . ." bahagya ko pang inayos yung kwelyo n'ya bago ko sinalubong yung mga nakakatunaw n'yang titig.

"Thank you sweetheart"

"You're welcome po Master. . . Basta yung usapan natin na gagawin kay Clarice ha?"

"Psh, oo na. . ." labag sa loob n'yang sagot.

"Sige na, baka ma-late ka pa" nginitian ko s'ya kahit medyo masakit sa'kin na makitang pumapasok s'ya habang ako heto, pa-tambay tambay lang sa loob ng bahay.

Aaminin kong nakakaramdam din naman ako ng inggit sa tuwing nakikita ko si Liam na nag-aaral, pero iniisip ko nalang yung kalagayan ni Baby. Hindi ako pwedeng maging selfish sa mga ganitong bagay.

Tutal, pagkatapos kong manganak, babalik din ako kaagad sa pag-aaral. . . Pangako ko 'yan kay Mama Anna eh.

"I love you. Take care baby" mabilis n'ya akong hinalikan saka patakbong lumabas sa pintuan.

Nang maisara n'ya yung pinto, napabuga ako ng marahas dahil heto nanaman, mag-isa nanaman ako ngayon.

Napalingon ako sa t'yan ko saka hinaplos haplos. Ikaw at ako nanaman ang magkasama ngayon anak. . .


>> Fionna's Point of View

Busy ako sa paghintay ng masasakyan na jeep dito sa waiting shed nang biglang mag-ring yung cellphone na hawak hawak ko.

Si buntis?

Ba't kaya biglang napatawag 'tong isang 'to? . . . Siguro wala nanaman 'tong kasama sa mala-mansyon nilang bahay.

"Oh hello. . ." bungad ko.

"Tapos na ojt mo?"

"Yup. . Pauwi na'ko, bakit?"

Cruel TemptationOnde histórias criam vida. Descubra agora