XV - Wedding Day

441 10 0
                                    

Parang dati kinikilig lang ako kapag magpapakasal na'yung babaeng bida sa makakatuluyan n'ya sa mga nababasa kong libro.

Ngayon, ako na'yung babaeng 'yon.

Yung babaeng ikakasal na sa lalakeng mahal na mahal n'ya.

Ni-minsan hindi ko naimagine na mangyayari din pala saakin yung ganitong bagay. Sobrang sarap sa pakiramdam.

Nararamdaman kong pinipisil-pisil ni Mama yung braso ko na kinakapitan n'ya habang naglalakad kaming dalawa sa altar. Sigurado akong dalawa kaming sagad-sagad ang nararamdaman na kaba ngayon.

Habang dahan-dahang naglalakad at sinasabayan ang mahinhing musika, pinasadahan ko nang tingin lahat ng taong nadadaanan ko na halos lahat ay nakangiti saakin.

Nakita ko sila Tita at Tito, pati nadin ang mga pinsan ko. Nakita ko din yung ibang barkada ni Liam. Mga ka-close kong teacher at kaibigan ay nandito din. Yung iba ay hindi ko kilala dahil puro sa side na lahat ni Liam.

Nang makarating kami sa harapan, nakita ko na yung lalakeng papakasalan at makakasama ko habang buhay.

Liam.

Hindi man ganun ka-lawak yung pagkangiti n'ya, punong-puno naman ng emosyon yung mga mata n'ya na nakatingin saakin ngayon.

Hindi man ganun ka-lawak yung pagkangiti n'ya, punong-puno naman ng emosyon yung mga mata n'ya na nakatingin saakin ngayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yung kinakabahan kong puso, biglang kumalma nang makita ko s'ya. Sobrang gwapo n'ys sa suot n'yang black suit.

Biglang namasa yung gilid ng mata ko. Hindi ko maipaliwanag yung tuwa. Unti-unting lumapit si Liam saamin. Nakipag-beso at yakapan pa s'ya kay Mama.

"Ingatan mo ang anak ko Liam ha?" saad ni Mama habang hinahagod-hagod n'ya yung likod ni Liam. Hindi ko naman mapigilan mapaluha. Naguumapaw na yung saya sa puso ko at the same time nalulungkot. Hindi naman ako mahihiwalay kay Mama pero bakit sobra-sobra akong nalulungkot?

"Opo Mama" sagot ni Liam. Nilingon naman ako ni Mama para yakapin din ng sobrang higpit.

Nang matapos ang yakapan, umalis na si Mama at pumunta sa upuan n'ya. Tuluyan na nga akong naiwan sa gitna kasama si Liam.

Nilahad n'ya yung kamay n'ya sa harapan ko. Buong puso ko naman itong tinanggap. Nginitian n'ya ako sabay kindat bago kami sabay naglakad sa harap ng pari.

>> fast forward

"Baby. . ." biglang bulong ni Liam sa tabi ko habang nasa kalagitnaan kami nang pakikinig kay Father.

"Hm?"

"You look wonderful" nilingon ko s'ya saglit. Nagawa pa talaga akong banatan ng isang 'to ngayon ha?

Cruel TemptationWhere stories live. Discover now