Hindi inaasahan nila Angellete at Liam ang naging bunga ng kanilang ginawa noong gabi na mas pinairal nila ang bugso ng kanilang mga damdamin. Nagpakasal ang dalawa ngunit ang saya at pagmamahalan ay unti-unting nabura sakanilang relasyon nang dumat...
Unti-unti kong dinilat yung mga mata ko. Kaagad ko tinignan yung orasan na nasa side table.
11:54 PM.
"Maam pinapagising na po kayo ni Madam Amanda. . Kumain na raw ho kayo sa baba" nilingon ko si Manang. Puma-upo ako sa kama saka s'ya tinaunguan. "Sige po Maam. Alis na po ako"
Hinintay kong maisara n'ya yung pintuan bago tuluyang bumangon. Pumunta ako sa malaking bintana namin na tanaw na tanaw ang garden kung saan ginanap ang party kanina.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nakita ko mula dito na malinis na malinis na ang garden. Wala nang bahid ng kahit ano.
Ganun ba talaga kalalim yung tulog ko? . . Laking pasasalamat ko nalang at hindi nanaman ako pinagalitan ni Mama Amanda.
Nagpakawala muna ako nang malamim na buntong hininga bago sinara yung kurtina. Nagsuot nalang ako ng long cardigan para maibsan yung lamig ng katawan ko bago bumaba para kumain.
Pagka-baba ko, nakita ko lahat ng mga katulong na naghuhugas at naglilinis ng bahay. Dumiretcho na ako sa kusina at hindi na nagpatulong sa pagkuha ng pagkain dahil nakakahiyang magpaistorbo.
>> fast forward
Kakatapos ko lang kumain magisa dito sa dining table nang maalala ko bigla si Carmel.
Ano na kayang nangyari sakanya pagkatapos nung nakita n'yang ginawa ni Mama?
"Jane. . ." tawag ko sa isang kasambahay na nakita kong dumaan.
"Yes po Maam Angelette?" saad n'ya nang makalapit s'ya saakin.