VI - Amanda

732 11 0
                                    

"Yes sir. Just please. . Please don't stop searching for her" pakiusap ni Liam sa kung sino man'g kausap n'ya sa telepono.

Nandito kami ngayon sa Condo n'ya at nanonood sa sofa nang may biglang tumawag. Hindi ko naman napigilan makinig.

"Ano daw? Kamusta? May balita na ba?" tanong ko nang mababa na n'ya yung cellphone.

Bumuntong hininga s'ya "They're still finding her. . I guess ayaw na talaga n'ya magpakita baby"

Mahina ko s'yang pinalo sa balikat "Ano ka ba! 'Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Sa lawak ba naman kasi ng Japan, hindi naman madaling maghanap"

"Baby come to think of it. Isang buwan na natin s'yang pinapahanap and still. . No improvement" napaisip ako sa sinabi n'ya.

Oo. Isang buwan na. Isang buwan na magmula ng mawala si Clarice.

Sa isang buwan na'yon, hindi tumigil yung mga sinasabi ni Liam na makakatulong sa'min sa paghahanap. Pero ganun padin, walang nahahanap, wala pading Clarice.

Napa-yuko ako dahil ayokong makita n'yang patulo nanaman yung mga luha galing sa mata ko.

"Hey. Cheer up. I'm sorry" hinawi n'ya yung konting hibla ng buhok ko sa tenga saka hinawakan yung baba ko para iharap sakanya.

"Ikaw kasi eh. . Nakakawala tuloy ng mood" mahina s'yang tumawa sa pagiging isip bata ko.

"Let's enlighten the mood then" bulong n'ya sa tenga ko. And I swear, nagtaasan lahat ng balahibo ko sa ginawa n'ya. Bigla-bigla nalang ako napapalunok. Pakiramdam ko natuyuan ako ng laway.

Habang naka-tingin kami sa isa't isa, biglang napuno ng kakaibang awra yung mga mata n'ya. SantaMaria!

Unti-unti n'yang nilapit yung mukha n'ya sa mukha ko. Ako naman 'tong napapikit nalang.

Grabe. Sobrang lambot ng labi ng lalakeng 'to. Hindi pa ba kasalanan yung ganito ka-gwapong nilalang?

Naramdaman kong tinatanggal na n'ya yung butones ng damit ko habang hinahalikan padin ako. Kinakabahan ako!

Kumawala s'ya saglit saka tinignan ako sa mata. "God, you are so beautiful" mahina n'yang bigkas at agresibo nang binalikan yung mga labi ko.

Alam ko na kung saan 'to patungo. Wala nadin akong nagawa kung hindi suklian yung mga halik n'ya at pabayaan s'yang ihiga ako sa sofa.

>> fast forward

Natigil yung magandang tulog ko dahil sa mga maliliit na halik na nararamdaman ko sa balikat ko papuntang batok.

"Baby, wake up" saad ni Liam nang maramdaman n'yang naalimpungatan na ako. Bumaliktad ako ng higa, paharap sakanya.

Awtomatiko akong napangiti habang nakatitig sa gwapo n'yang mukha.

"Hi" bungad n'ya pagka-harap ko.

"Hi" bungisngis ko.

"We should get up now"

Napakunot yung noo ko. "Ha? Baket? Anong oras na ba?" ganun ba kami katagal nakatulog?

"No it's not that. ." mahinhin n'yang hinaplos yung pisngi ko, papuntang labi. "You'll be meeting my mom"

Cruel TemptationWhere stories live. Discover now