LI - Engineer Liam

765 9 0
                                    

>> Seraphina's Point of View

* bzzzzztttttt bzzztttttttt*

Dahan-dahan kong minulat 'yung isa kong mata para hanapin yung phone ko na tumutunog. I'm still sleeping pa kasi ano ba'yan!

Nang makuha ko 'yung telepono ko at pininod yung stop button ng alarm, dahan-dahan akong umupo at nagkusot-kusot ng mata. . . Another day, another plan.

*yaaaawwwwnnnnn*

Tinali ko muna saglit yung buhok ko bago tumayo at lumakad papuntang banyo. . . As usual, nag-toothbrush at hilamos ako saka bumaba ng hagdan para pumuntang dining room.

"Good morning Ma'am Seraphina. Ready na po ang breakfast" pagkababa ko palang, sinalubong na'ko ni Marie na medyo naka bow. S'ya ang pinakabatang maid namin dito sa mansion. . . Hays bigla ko tuloy naalala si Jane :'((

Nginitian ko lang s'ya at pumunta na sa lamesa. Hala ang sarap ng breakfast *Q* . . Cinnamon Baked Doughnuts, Herbalicious Breakfast Casserole, Pancakes, and of course, coffee.

Pagka-upo ko sa chair, nilingon ko si Marie at April na nakatayo sa gilid. Ewan ko ba kung bakit nila ginagawa 'to. Basta nakatayo lang sila sa gilid habang kumakain kami.

"Tara. Kain tayo" I offered.

"Sige po—"

"Ano ka ba!" putol ni Marie kay April nung akmang uupo na s'ya sa isang bakanteng upuan. "Ah Ma'am bawal po kasi kaming kumain habang kumakain kayo. Baka pagalitan kami ni Manang Beth" naka-tungong paliwanag ni Marie. . . Manang Beth is the oldest maid here. Kumabaga s'ya ang pinaka-head ng mga kasambahay.

"Ako na'ng bahalang magpaliwanag kay Manang. . Sige na, upo na kayo. . ." I motioned them to seat pero mukhang nagdadalawang isip pa sila. "Masamang tinatanggihan ang grasya, Marie. . ."

"Sige po Ma'am. Thank you po" wala ng nagawa sila Marie kung hindi maupo at saluhan ako sa breakfast.

Masaya naman silang kasama. Habang kumakain nga kami ay naikwento nila kung paano sila nakapasok bilang maids dito sa bahay. Si Marie, two weeks na dito, habang si April naman ay isang linggo palang.

Natanong ko nadin kung anong oras umuwi sila Jacob at Jenny kagabi pero nagulat ako kasi hindi daw sila umuwi. ABA ABA. Etong dalawang 'to mukhang may milagrong ginagawa ha~

Naalala ko tuloy bigla yung araw na naabutan ko silang dalawa sa sala ko na nagki-kissing scene. brrrrr >__<

>> fast forward

Makalipas ang halos isa't kalahating oras na pagaayos, naka-ngiti kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin dito sa loob ng walk-in closet. . . I'm wearing a 'hip-hugging' bodycon dress paired with a black ankle strap heels.

4 years ago, ako yung tipo na walang masyadong arte sa katawan. Naisip ko kasi na imbes na ipang-bili ko pa ng pang-arte, ibibigay ko nalang kay Mama Anna para makatulong sa gastusin.

Cruel TemptationWhere stories live. Discover now