XLVII - Meeting Liam

752 11 0
                                    

Jenny's Point of View

O to the M to the fudging G!

This is it pancit! Ang bonggang paghaharap ni Seraphina at ni Liam muli.

I know y'all are excited as hell pero s'yempre explain ko muna kung ano'ng kaganapan ngayon. \*O*/

So as of the moment, nandito ako nakatayo sa sulok at inaabangan si Liam na maka-pasok dito sa loob ng venue. Habang si Seraphina naman ay nasa dressing room at inaayusan.

Gosh bakit ang tagal naman ng Liam na'to? . . I checked the time on my phone, 10 minutes nalang maguumpisa na ang party. Ay wait. Maasar nga muna si beshy mwahahaha.

Kaagad kong pinindot yung maliit na button dito sa earpiece na suot-suot ko. I don't know kung ano'ng tawag dito basta ang instruction lang sa'kin ni Jacob, kapag may sasabihin ako sa mga bodyguards at kay Seraphina, pindutin ko lang daw.

"Hi Seraphina~" I started in a teasing kind of voice.

"Tss. What do you want?" reply ni Seraphina. Haha ang astig!

"I just want to ask if the birthday girl is ready. . ." pffft naiimagine ko ang mukha ni Seraphina ngayon. I'm sure she's already pissed dahil sa pang-aasar ko. Hays kung hindi lang sana ako magmumukhang baliw kapag tumawa ako mag-isa dito sa sulok, edi sana ginawa ko na >_<

Makalipas ang ilang segundong pang-aasar, napa-tingin ako sa may entrance at kung sine-swerte ka nga naman! Si Liam kaagad ang nakita ko na papasok.

AfghanisjakakauzyyHhaoaoaj!

OMG! OMG! OOOMMMGGGG!

Mabilis kong pinindot ulit yung button sa may earpiece ko. "It's showtime, Seraphina. . Liam's here" hindi ko na hinintay yung sasabihin n'ya pabalik dahil alam ko naman na ang gagawin ko. . . Lakad takbo na ang ginawa ko para lang maka-lapit ako sa organizer.

Nang masabi ko sakanya na kumpleto na lahat ng bisita, sinigawan n'ya na 'yung 27 na hotties, wearing their tuxedos and suits, para maka-ready na.

Okay so here's the set-up/plan or whatever you call this shit. . . For the opening of this event, may dance performance munang magaganap. At sa dance performance na'yon, sasayaw sila ng ballroom.

Since 28th birthday ni Seraphina ang ice-celebrate tonight, 28 na babae at lalake ang magpa-partner para sa opening. And guess what? . . Yes zer. Liam and Seraphina will be one of those performers.

Paano?

Well I am working on it right now *wink*

"Hi you're Mr. Liam Imperial, right?" bungad ko kay Liam pagkalapit na pagkalapit ko sa pwesto n'ya. He seemed clueless and yet he still answered yes.

"Okay great! Come with me!" walang sabi-sabi kong hinila yung kamay n'ya papunta sa gilid at hinalo s'ya doon sa 27 hotties na sasayaw para sa opening.

Cruel Temptationحيث تعيش القصص. اكتشف الآن