XVI - Reunion

367 7 0
                                    

>> 2 months later

*BLAG*

Halos tumilapon ako sa higaan ko dahil sa biglaang pagbangon. Medyo nanakit yung t'yan ko pero hindi ko ininda. Nilingon ko si Mama Amanda na nakapamewang habang galit na galit na nakatingin saakin.

"M-ma?"

"Huwag mo'kong matawag-tawag ng ganyan. Ano sa tingin mo ang oras na? Didn't I tell you na tumulong ka sa mga katulong sa baba para sa paghahanda? Hoy Angelette! Hindi ka señyorita dito! . . Porket wala lang ang asawa mo, pahila-hilata ka nalang d'yan ha?"

"Hindi po Ma. Tumutulong naman po ako, nanakit lang po yung t'yan ko kaya nagpahinga ako saglit. . Sorry po"

"Sus! Ang daming palusot ng señyorita, tsk. . ." tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa na parang diring-diri s'ya. "Why did I even agree na dito ka tumira sa pamamahay ko? Goshhhh, this is so frustrating" lumabas s'ya nang kwarto namin ni Liam na inis na inis.

Napalunok ako dahil bigla nanaman akong naging emosyonal. Miss na miss ko na si Liam pero wala akong magawa. Nasa States s'ya kasama yung papa n'ya, may aasikasuhin daw sila doon tungkol sa business at bukas pa ang balik nila.

Samantala, may reunion naman na nagaganap sa garden. Reunion ng pamilya nila Mama Amanda at dito sa bahay ang venue.

Kahit bawal saakin ang pagkilos nang sobra-sobra, wala akong magawa dahil utos saakin ni Mama Amanda na tumulong ako sa pagse-serve sa mga bisita.

Bahagya kong hinaplos yung t'yan ko na tatlong b'wan na ang laki. Kapit ka lang muna d'yan baby. Kikilos muna si Mama para hindi nanaman tayo mapagalitan parehas.

Naalala ko nanaman yung bawat gabi na sinisigawan ako at inuutusan ni Mama Amanda na parang hindi ako buntis. Hindi ko magawang magsumbong dahil ayokong magalit si Liam sa Mama n'ya. Baka maging dahilan pa iyon nang pagkasira nila bilang mag-ina.

>> fast forward

Busy ako sa pagluluto nang isang batch pa ng pancit para sa mga bisita nang may kumalabit saakin.

"Oh hi! You're Liam's wife right?" tanong nung babae na hindi ko kilala pero sigurado akong kamag-anak ni Liam.

"Ah opo"

"Then why are you here? Ang daming naghahanap sa'yo sa labas. . Tara sama ka sa'kin, ipapakilala kita sa mga hindi mo pa kilala" tinutukoy n'ya yung ibang pamilya nila Liam na hindi ko ganoon kakilala. Isang beses ko lang sila nakita sa kasal ko, yung iba ay mga hindi ko pa nakakausap.

"Ay nako 'wag na po! Okay na po ako"

"You're Liam's wife and yet nagluluto ka dito instead nakikipag usap sa kamag-anak ng asawa mo? That's not right girl. Come on, I'll come with you"

Nakuha ko yung point n'ya at mukhang mabait naman s'ya at mapagkakatiwalaan. "Sige. Pero ano po bang itatawag ko sainyo?" nakakahiyang aminin pero maski s'ya ay hindi ko din kilala.

"I'm Carmel. Pinsan lang ako ng asawa mo kaya please cut the 'po and opo' thing. . Nice too finally meet you by the way"

Nangunot yung noo ko. "Finally?"

"Ah yes! Hindi kasi ako naka-attend ng kasal n'yo. Sorry for that"

"Ay nako okay lang! Nice too meet you din Carmel"

Cruel TemptationWhere stories live. Discover now