VIII - Buntis ka?

655 8 0
                                    

'Angelette?! Why are you ignoring me? May problema ka ba? Where are you? Tell me so we can talk! Shit I almost—'

"Liam kalma" ngumisi ako nang mahina sa naging reaksyon n'ya. Naisipan ko s'yang tawagan para kumpirmahin kung nasa bahay ba s'ya nila. Weekends ngayon, alam kong nasa bahay s'ya ng mga magulang n'ya.

'Kalma? Angelette naman! Nagbibiro ka pa d'yan eh halos mabaliw na'ko dito'

"Sorry. . . Pero nasa'n ka? May gusto sana akong sabihin"

'Wait. . . . Are you— are you gonna break up with me?'

"Sira hinde. Mage-explain na nga ako kaya gusto kong mag-usap tayo"

'Where are you?'

"Ako nalang pupunta sa'yo. Nandyan ka ba sa bahay n'yo?"

'Yeah. You sure you don't want me to—'

"Hindi na nga. Sige na, ibaba ko na'to"

'Okay. I'll wait. I miss you baby'

"I miss you too"

*toot toot*

Pagkababa ko ng tawag, dali-dali akong tumayo saka naghintay ng masasakyan.

>> fast forward

Bumuntong hininga ako bago pinidot yung 'call' button sa tabi ng pangalan ni Liam sa telepono ko.

'Hello babe?'

"Andito na'ko sa labas ng gate n'yo" sabi ko habang naka-tingin sa mala-palasyo nilang bahay.

'I'm coming. Wait for me' s'ya nayung nagbaba ng tawag.

Ilang segundo lang, narinig ko ng bumukas yung gate nila, at nakita ko si Liam na balisa. "Liam may sasab–" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil bigla nalang n'ya akong hinalikan. Yung tipong sabik at galit na halik.

Bumilis bigla yung pintig ng puso ko sa ginawa n'ya.

"I fucking miss you baby" sabi n'ya habang yakap-yakap ako.

Hindi ko na'din napigilin yung sarili ko. Yumakap nadin ako pabalik. Dalawang linggo ko 'tong hindi naramdaman.

Habang nakayakap ako sakanya, parang nag-flashback sa'kin lahat ng nangyari kanina. Lahat ng nalaman ko.

'Positive ako Fionna'

Bigla kong naalala yung mga salita na sinabi ko kay Fionna kanina. Dahilan para maiyak ako sa mga bisig n'ya.

Aish Angelette! Sabing 'wag kang umiyak eh!

"Hey are you alright?" lumayo na s'ya sa'kin saka hinawakan yung magka-bilang braso ko.

"Liam may gusto akong sabihin sa'yo" pahikbi-hikbi kong sabi. Titig na titig naman s'ya sa'kin.

"Tell me. . What happened?"

"Liam. . . Kasi ano. . ." pinipilit kong sabihin pero bakit parang may pumipigil sa'kin?

"Angelette baby please. . Calm down. Wala tayong mararating n'yan kung iiyak ka lang ng iiyak dito" pinunasan n'ya yung mga luha na hindi padin tumitigil sa pag-agos.

Cruel TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon