Hindi inaasahan nila Angellete at Liam ang naging bunga ng kanilang ginawa noong gabi na mas pinairal nila ang bugso ng kanilang mga damdamin. Nagpakasal ang dalawa ngunit ang saya at pagmamahalan ay unti-unting nabura sakanilang relasyon nang dumat...
"Maam Angelette naka-upo na'po si Madam sa lamesa" sulpot ni Jane sa tabi ko.
Ako naman na nasa lababo at naghuhugas ng kamay, dali-daling kinuha yung pinggan na may lamang french toast at halos tumakbo na papuntang dining table.
Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.
Pero bago pa'ko tuluyan makalapit sa lamesa, huminto at nagtago muna ako sa pader nang makita ko si Mama Amanda na naka-upo sa pinaka-gitna ng hapagkainan.
'Wag ka nalang tumuloy Angelette. . .
Eto nanaman yung mga mahihinang boses na bumubulong sa loob ko kainis!
Tumuloy ka na Angelette. . Baka ito ang maging paraan para makapag-usap kayo at masabi sakanila ang totoo.
Tama Angelette.
Wala naman mawawala kung gagawin mo'to eh. . .
Huminga ako nang malalim bago tuluyang ilapag sa lamesa yung hawak-hawak kong pinggan.
Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko kung paano ako titigan ni Mama nang masama.
Habang ako naman, hindi ko alam kung saan lilingon habang umuupo sa upuan.
Aish bahala na talaga!
Ilang minutong naging ganun ang aura bago kami makarinig ng mga hakbang pababa sa hagdan.
Sigurado akong si Liam na'yan.
"Ma—" hindi na natuloy ni Liam yung sasabihin n'ya dahil nakita n'ya ako.
Nandun lang s'ya nakatayo habang iniisip ko kung aalis nalang ba ako o ano.
"Son com'n let's eat. ." nalipat yung mga mata ni Mama sa'kin. "Sayang naman yung hinanda ng asawa mo"
"Tsk" rinig kong saad ni Liam bago tumabi ng upo sa'kin.
Nang makita kong kukuha na si Liam ng pagkain sa gitna ng lamesa, mabilis akong tumayo at nilagyan yung pinggan n'ya ng bacon at hotdog.
"Ahh Liam ito oh. . ." sabay lagay ko ng french toast sa pinggan n'ya. "Masarap 'to promise!"
Tinitigan n'ya lang ako sa ginagawa ko na walang karea-reaksyon.
"Alisin mo lahat 'yan. . Ayoko n'yan" saad n'ya. Dahilan para kaagad akong mapalingon sakanya.
"H-ha? . . Ahmm" tumingin-tingin ako sa gitna ng lamesa at nag-isip ng paraan kung paano maaalis yung pinggan n'ya na may mga pagkain.