III : Ang Galit ni Clarice

1.2K 15 1
                                    

Angelette's Point of View

"Sinasagot na kita, Liam."

"Sinasagot na kita, Liam."

"Sinasagot na kita, Liam."

Hindi ko mapigilan mapa-ngiti nang kusa sa tuwing naaalala ko ang mga katagang 'yan. . . Grabe, parang kahapon lang nangyari ang lahat kahit ang totoo ay dalawang linggo narin ang nakakalipas magmula nang maging official na kami.

Sa loob ng dalawang linggo, walang nag-bago kay Liam. Kung papaano n'ya ako trinato noong mga panahon na nililigawan palang n'ya ako, gano'n parin hanggang ngayon. To be honest, mas dumoble pa nga ang pag-aalaga, pag-mamahal at pagiging sweet n'ya saakin eh. Walang araw na pinabayaan nya'ko, walang oras na hindi nya'ko inaalala, at lagi n'yang pinaparamdam sa'kin na sobrang thankful talaga s'ya.

Katulad nalang ngayon. . .

From: Liam.
"Luv, papunta na'ko"

Mistula naman akong tanga dito sa hallway na kinikilig habang binabasa ang maikling text message n'ya na kaka-receive ko lang. Tinanong n'ya kasi ako kanina kung pwede ko s'yang samahan sa bagong condominium n'ya na binili ng daddy n'ya. Tutal friday naman ngayon at parehas kaming wala ng gagawing school works, pumayag na ako. Kaya ngayong uwian, deretsyo na'ko sa gate para hindi na s'ya mag p-park at kung ano-ano pa.

"Angelette!"

Napatingin ako sa paligid. May tumawag sa pangalan ko pero hindi ko naman ma-identify sa dami ng mga estudyanteng nagkukumpilan dito sa paligid. . . Sino kaya 'yon?

"Uy!"

"Ay palaka!" medyo napalakas ang hiyaw ko dahil sa babaeng nasa harapan ko na ngayon. "Grabe, Shanen! Sa'n ka nang-galing?" kantiyaw ko sakanya. Maliit na tao lang kasi si s'ya kaya sobrang dali lang para sakanya magpa-sikot sikot kung saan man n'ya naisin.

"Alam mo nahahawa ka na sa ka-bully-han n'yang best friend mo ha!" kaagad naman akong natawa sa naging sagot n'ya. Ang tinutukoy n'yang best friend ko ay si Fionna, na kasulukuyang hindi ko kasama ngayon dahil absent.

Laging inaasar ni Fionna 'tong si Shanen na 'elementary student na maingay' daw kaya ayon, walang araw na hindi pikon si Shanen sakanya. Sa tuwing nag-aasaran naman sila, wala akong magawa kung hindi matawa nalang. . . kasi medyo totoo ngang parang elementary si Shanen huhuhu.

Kung hindi ako nagkakamali, 4'8 lang ang height n'ya tapos lagi pa s'yang naka-double ponytail kaya mukha talagang elementary. Pero uy, sobrang mabait 'yan si Shanen at talagang mapag-kakatiwalaan.

Anyway. . . "Ba't mo'ko tinatawag pala? May kailangan ka ba?" naka-ngiti kong balik sa usapan. Sana naman ay wala s'yang i-utos dahil baka nasa labas na si Liam at ayaw ko naman s'yang paghintayin.

"Ou teh. Gusto ka daw kausapin ni Miss Sharah"

Mabilis naman naglakihan yung mga mata ko. Shux! Ako? Pinapatawag raw? . . Napalunok ako nang marahan bago magsalita. "Seryoso ba?" Nag-uumpisa ng mag-panic yung mga buto-buto ko at hindi na mapakali. Si Miss Sharah ang instructor ko sa isang major subject na hindi gano'n kataas ang grades ko. Kahit na halos ituon ko ang buong atensyon ko sa subject na'yon, wala parin at nangangamote talaga ako.

Hindi kaya. . . pinapatawag n'ya ako dahil bagsak ako sa subject n'ya? Patay talaga ako! Hindi p'wede dahil mawawala ang scholarship ko nito huhuhuhu.

"S'yempre oo! Hahabulin ba kita ng kalayo-layo kung joke time 'to?" napabalik ako sa wisyo dahil sa sinabi ni Shanen.

"Sinabi ba sa'yo kung bakit daw?"

Cruel TemptationWhere stories live. Discover now