V - Japan

876 9 0
                                    

Angelette's Point of View

Kasalukuyan akong naglalakad paalis sa bahay nila Christel na halos hindi na makakita sa sobrang panlalabo ng mata ko dahil sa mga luhang gusto nang bumagsak.

Oo, hindi ako pala away na tao, pero sino ba namang hindi magagalit sa ginawa n'ya? Ilang araw hinanap ni Kuya Clark si Clarice tapos alam naman pala n'ya kung nasaan. Ni hindi man lang n'ya pinigilan si Clarice. Akala ata n'ya biro lang ang trabahong pinasukan ni Clarice.

"Angelette!" narinig kong may sumigaw ng pangalan ko, kaya hindi ko napigilan mapalingon. Nakita ko si George na patakbong lumalapit sa'kin. "Angelette pasensya na" bungad n'ya. "Ako na nagso-sorry dun sa ginawa ni Christel. . . Pasensya din dahil kaibigan ako ni Clarice pero wala akong nagawa para pigilan s'ya" bigla s'yang nahiya at napatungo.

"Wala ka namang kasalanan eh. . Katulad namin, wala ka ding alam sa nangyari. Baka nga kung hindi pa sinabi ng kaibigan mo, hanggang ngayon naghahanap padin tayo" dahan dahan n'yang binalik yung tingin sa mga mata ko.

Sinseridad. Ayan yung bagay na nakikita ko sa mga mata n'ya ngayon.

"Sis sorry talaga. . Kasalanan ko'to eh"  kumapit s'ya sa magkabilang balikat ko saka pumadyak. Bigla nanaman naging baliko yung kilos n'ya. Bumalik nanaman s'ya sa George na babae. Kanina lang para s'yang lalakeng-lalake kumilos.

"Ano ka ba! Ayos na nga eh"

Para s'yang nabunutan ng tinik "Pupuntahan mo na ba si Clarice ngayon?"

"Oo sana. . Gusto ko 'pag uwi ko sa bahay kasama ko na s'ya" ngumiti ako ng tipid. Bumalik nanaman yung bigat sa dibdib ko. Kamusta na kaya s'ya?

"Sasamahan na kita tutal alam ko naman kung saan yung lugar na'yon"

"Nako! Ikaw nalang sumama sa'min. . Pinapunta ko na si Liam dito para ihatid tayo doon sa Bar na'yon. Mas mapapabilis tayo"

"Okay lang ba?"

"Oo naman. . . Para naman kay Clarice 'tong ginagawa natin" katulad ko, ngumiti lang din s'ya ng tipid. At dahil ayaw kong bumalik nanaman yung bigat ng kapaligiran, hinatak ko s'ya papunta dun sa bench na malapit lang din sa pwesto namin para umupo. "Dito muna tayo habang hinihintay si Liam" sabi ko nang hindi tumitingin sakanya. Parehas lang kaming nakatingin sa unahan. Buti nalang malilim 'tong lugar na'to. Walang masyadong mga sasakyan na dumadaan, pero sobrang lawak ng kalsada. Tapos puro puno pa.

"Angelette?"

"George?"

Napalingon kami sa isa't-isa dahil sa hindi inaasahang pangyayaring 'yon.

"Sige mauna ka na. Tutal mas kabog naman beauty mo" biro ni George na naging dahilan ng pagtawa namin.

Bumuntong hininga muna ako bago s'ya hinarap. "Sorry. . "

Napa-kunot naman s'ya sa sinabi ko. "Sorry saan bakla?"

"Dahil sa ginawa ko nag-kasira kayo ni Christel. . Alam mo kung hindi ako nagpalamon sa inis ko, sana nakinig nalang ako sa mga sinabi ni Christel habang nakatago, tapos ayun lang, hindi na sana ako sumingit sa usapan n'yo. Edi sana hindi pa kayo nag-away"

Narinig kong tumawa s'ya ng mahina "Hay nako sis! Kahit wala ka dun, aawayin at aawayin ko padin yung gagang 'yon. Alam mo bang pangalawa na nila 'to? Kaloka!"'

Cruel TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon