IV - Angelette vs. Christel vs. George

918 11 0
                                    

"Aaaaaannddd we're here" saad ni Liam pagka-hinto n'ya ng sasakyan sa gilid ng kalsada. Naki-usap kasi ako sakanyang 'wag sa tapat ng bahay namin ako ibaba, baka makita pa ni Mama.

"Thank you Liam" nginitian ko s'ya.

"Thanks too you" hinawakan n'ya yung kaliwang kamay ko.

"Ha? Bakit?"

"For Giving me. . " pinagsiklop n'ya ng mahigpit yung mga kamay namin na magkahawak. "You"

"Ahh, ha-ha. Baliw wala 'yon"

Shete naman oh! Parang nag-init yung pisngi ko sa huling sinabi n'ya. Naalala ko nanaman tuloy yung naganap kanina.

"You're blushing" tukso n'ya.

"Kasi naman eh!" pabiro kong hinagis yung magkahawak naming kamay. Pero imbis na tumigil s'ya, aba! Mas lalo pang tumawa ang loko!

Tsk!

"Makababa na ngalang" akmang bubuksan ko na 'yung pinto pero bigla n'yang hinila yung kanang braso ko. . Dahilan para mapaharap ako sakanya.

Ngayon, sobrang, sobrang lapit na ng mukha n'ya sa mukha ko. Nararamdaman ko na nga yung paghinga n'ya eh.

"I Love You" saka s'ya dumampi ng kaunti sa labi ko.

Simpleng salita pero abot hanggang langit yung mga ngiti ko. Sino nga ba'ng hindi kikiligin?

Isang Liam Imperial, na kinagigiliwan ng lahat ng babae, ang nasa harapan ko ngayon at sinasabihan ako ng I LOVE YOU.

"Mahal din kita. . . Pero, kailangan ko ng umuwi" biro ko.

"Sabi ko nga" sabay kaming natawa sa kabaliwan namin.

"Ingat sa pag-uwi"

"See you tomorrow Love. . Take care"

"Sige na. ." tuluyan na nga akong lumabas ng otto n'ya. "Alis na"

Nag-ngitian muna kami bago ko isara yung pinto. Kumaway pa ako ng isang beses bago s'ya tuluyang nagdere-deretcho paalis.

Habang naglalakad ako pauwi, hindi ko maiwasan mapa-igik sa sakit.

Ang sakit ng ano ko eh. . . Yung ano. . Basta yung ano.

Alam n'yo na'yun!

Ano bang term yung ginagamit do'n?

Narinig ko na kay Fionna yun dati eh. . Hindi ko lang maalala.

Dats?

Dalks?

Ducks?

Teka. . Parang Daks.

Ayun!

Daks nga!

Ayun daw yung tawag kapag malaki eh. . Ewan ko ba d'yan kay Fionna kung ano anong pinagtu-turo sa'kin na kalaswaan.

"Ma!" sigaw ko pagkadating ko sa tapat ng pinto. Alam kong gising pa s'ya dahil bukas pa 'yung ilaw at rinig na rinig ko pa mula dito yung tugtog ng TV.

Cruel TemptationWhere stories live. Discover now