XX - Anong ginawa mo?

438 9 0
                                    

Ang bigat.

Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko dahil sa nangyayari ngayon.

Hindi ko magawang huminga nang maayos. Pakiramdam ko sinasakal ako at pahigpit ito nang pahigpit habang nagtatagal.

Ako. Si Clarice. Si Liam.

Nasa iisang lugar kami at pare-parehas hindi alam kung sinong unang magsasalita.

Papalit-palit ako ng tingin kila Clarice at Liam na matalim na nagtititigan sa isa't isa.

Bigla kong naalala ang nakaraan nilang dalawa. . . Kung paano lumapit si Liam saakin na luhaan dahil base sa kwento n'ya ay iniwan s'ya ni Clarice para sa ibang lalake.

Nasasaktan ka pa din ba hanggang ngayon Liam?

"Liam!"

Sumigaw ako sa gulat at dali-daling tumayo para awatin si Liam na ngayon ay nakatayo na at hawak-hawak yung braso ni Clarice.

Kinabahan ako dahil halatang-halata kay Liam na galit na galit s'ya. Pilit kong kinakalas yung kamay n'ya sa braso ni Clarice pero parang ayaw n'ya 'tong bitawan at mas dinidiinan pa lalo.

"Liam bitawan mo! . ." nang tuluyan kong maalis yung kamay n'ya ay pahagis ko itong tinapon at tinulak s'ya nang mariin. Dahilan para may pagitan na pumagitna saamin. "Anong ginagawa mo?!" gulat na gulat kong tanong.

Oo galit ka Liam.

At naiintindihan ko kung hanggang ngayon galit ka dahil sa ginawa sa'yo ni Clarice pero wag na wag mong sasaktan yung kaibigan ko!

Nakikipagtitigan ako sakanya na mabilis padin ang paghinga hanggang ngayon.

"Your wife is right Liam. ." dinig kong saad ni Clarice na nasa likuran ko. ". . . Anong ginawa mo?" madiin n'yang dagdag na kina-nuot ng noo ko at nilingon s'ya.

Bakit iba ang naging dating sa'kin ng mga sinabi mo Clarice?

"Shut up Clarice" napabalik ako ng tingin kay Liam na nagsalita nadin. . . Ngayon ay kalmado na s'ya ngunit nakakatakot padin s'ya tumingin at magsalita.

"Ow wait! . ." humalakhak si Clarice na para bang may naalala. "Alam ba ng asawa mo kung anong ginawa mo sa'kin?"

Nanlaki yung mga mata ko sa gulat dahil sa mga binitawan n'yang salita.

Anong ginawa mo kay Clarice, Liam?

Hinarap ko si Clarice na ngayon ay nakahalukipkip habang nakatingin padin kay Liam.

"She doesn't know. . Does she?"

Nang hindi sumagot si Liam ay ngumisi s'ya saka ako nilingon. Sinalubong ako ng mga naglalarong ekspresyon sa mukha ni Clarice.

"Liam used—"

"Fuck off Clarice"

Sa isang iglap ay hawak-hawak na ulit ni Liam yung braso ni Clarice kaya hindi na n'ya natuloy yung mga sasabihin n'ya.

Gusto ko man s'yang awatin ay hindi ko magawa. Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko yung sinabi ni Clarice.

Pahagis na binitawan ni Liam yung braso n'ya at mabilis akong nilapitan. Ako naman ngayon ang hinawakan n'ya sa kamay at mabilis na hinila palabas.

Cruel TemptationOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz