I : True Feelings

4.8K 46 2
                                    

Angelette's Point of View

Mahinhin ang bawat kilos ko sa pagbubura ngayon ng whiteboard na sinulatan ni Prof. Noveras kani-kanina lang habang nag last class kami. Kulay puti kasi 'tong uniform namin kaya sobrang ingat na ingat ako. Ayoko namang madungisan 'to dahil ako lang din mahihirapan sa paglalaba.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbubura, nahagip ng peripheral vision ko ang isang babaeng nag ma-martsya na palapit saakin.

"Ilang araw aabutin 'yang pagbubura mo nang kakapiranggot na sulat 'teh?" masungit na tanong ni Fionna saakin at halatang uwing-uwi na s'ya. Iilan nalang kasi kaming naiwan dito sa room para maglinis at halos nagsipag-uwi na yung iba.

"Oh kalma lang. . . Eto na tapos na po Maam" saad ko saka binalik sa paglalagyanan yung basahan bago magpagpag ng kamay.

"Tsk tara na kasi. Maabutan pa tayo ng traffic n'yan eh" pagsusungit n'ya bago s'ya dumiretcho sa may pinto papalabas habang kinuha ko naman sa table yung bag ko na nilapag ko doon.

Mabilis akong nagpaalam sa iba pang mga kaklase namin na kasama ko. Nginitian at kinawayan ko silang lahat at nang makita ko si Fionna na nakasimangot sa may pinto, mabilis kong sinukbit sa braso n'ya yung kamay ko.

"Ba't ba ang sungit mo ngayon?" tanong ko. Sanay naman na ako sa kasungitang taglay nitong kaibigan ko pero parang nasa ibang level yung pagsusungit n'ya ngayon eh.

"Ang sakit kasi ng ulo ko ngayon. . ." sagot naman n'ya habang naglalakad na kami sa hallway papuntang gate para makauwi. Medyo na-guilty naman ako kasi masakit na pala ulo n'ya pero pinilit ko pa s'yang hintayin ako.

Magkapitbahay lang kasi kami ni Fionna kaya araw araw kaming sabay pumapasok at umuuwi. At dahil do'n, naging mag best friends nadin kami. Kahit ang daming kume-question sa kung paano ko daw s'ya naging kaibigan eh halos magkaibang-magkaiba "raw" kami ng ugali.

Nang makarating kami sa may exit, mabilis naming tinapat sa ID machine yung mga ID namin at unti-unting gumalaw yung parang harang para tuluyan na kaming makalabas ng school. Malalakas at napakalamig na mga hangin kaagad sumalubong saamin ni Fionna.

"Mukhang uulan pa ata" nakatingala ko namang saad kasi tinitignan ko nang mabuti yung langit. Kaasar naman! Wala akong dalang payong ngayon tapos ang alam ko, sira din yung payong ni Fionna.

"Angie tignan mo nga'yon. . ." biglang kalabit saakin ni Fionna na kina-kunot ng noo ko.

Kaagad akong napalingon sa lugar kung saan din s'ya nakalingon.

Ano ba mer— Teka.

AFGHANSJAKA!

Unti-unting naglakihan ang mga mata ko nang ma-realize ko kung ano'ng meron. . . Isang pulang Honda Civic na naka-park sa may gilid ng kalsada AT ALAM NA ALAM KO KUNG SINO'NG NAGMAMAY-ARI NITO.

"Liam. . ?!" mahina kong tanong. Hindi ko alam kung si Fionna ba o ang sarili ko ang tinatanong ko.

Sakto nang pagka-bigkas ko ng pangalan n'ya, unti-unting bumukas yung pintuan ng sasakyan. 

Hindi ko napigilan mapa-sighap dahil sa gulat nang makumpirma kong tama ako. Shete! Halos isang buwan ko rin s'yang hindi nakita sa personal.

Cruel TemptationWhere stories live. Discover now