XIX - Welcome Back Liam

462 8 1
                                    

Angelette's Point of View

Natulog akong hinang-hina, hanggang paggising hinang-hina padin ako.

Kakatapos ko lang maligo at kasalukuyang nagpupunas ng buhok habang nakatingin sa sarili kong repleksyon dito sa malaking salamin sa lababo. Kahit na anong pigil ko ay kusang tumutulo ang mga luha sa mata ko.

Sadyang hindi ko maipalinawag kung gaano kabigat yung naramdaman ko kagabi at patuloy na dinadamdam ko ngayon.

Lahat ng nangyari kagabi ay tandang-tanda ko. Paulit-paulit na nakikita ko yung galit na galit na mga mata ni Clarice. Ramdam na ramdam ko padin yung sakit sa pulso ko.

Hindi ko inakalang kayang gawin saakin ni Clarice lahat ng 'yon.

Naalala ko nung sinabi saakin ni George na galit daw saakin si Clarice bago n'ya naisipan mawala. Kaya ba ganito ka ngayon Clarice? Gaano ba kalalim 'yang nagawa ko at bakit ibang-iba ka na?

Dahan-dahan kong pinunasan yung mga luha na nagkalat na sa pisngi ko, at kahit pilit ay nginitian ko ang sarili ko.

Pagsubok lang lahat ng ito.

Humugot ako nang malalim na hininga bago umalis ng banyo na walang bahid ng kahit anong pagluluksa. Except siguro sa mapupula kong mata.

Sigurado akong magtatanong si Liam mamaya kapag nakita n'ya'to. Ngayon na kasi ang balik n'ya dito sa bahay matapos ang isang linggo na pananatili nila ni Tito Lee sa States.

Siguro. . . Sasabihin ko nalang na umiyak ako kagabi dahil miss na miss ko na s'ya. Oo tama Angelette! Yun nalang para walang gulo.

Pumasok ako sa walk-in closet namin ni Liam para maghanap ng maisusuot ko ngayon.

Kahit papaano ay espesyal ang araw na'to para saaming dalawa ng asawa ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kahit papaano ay espesyal ang araw na'to para saaming dalawa ng asawa ko. Ngayon ang scheduled check-up ko sa OB-GYN, at ngayon din namin maaalam kung anong gender ni Baby.

Baby excited na excited na talaga akong makita ka. Pasensya na kung naging pabaya si Mama kagabi. Alam kong nahirapan ka dahil dalawang beses kumirot yung t'yan ko. Pero promise babawi ako sa'yo Baby! . . Sa oras na malamin namin ng Daddy mo kung girl ka ba or boy, bibili kami kaagad ng mga gamit mo.

Nakangiti kong sinuot sa tapat ng malaking salamin yung damit na napili ko. Simpleng white shift dress na pinaresan ng black ballet shoes.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Cruel TemptationWhere stories live. Discover now