L - Clarice VS. Seraphina

688 18 1
                                    

a/n:
TEAM CLARICE O TEAM SERAPHINA?

Clarice's Point of View

I was in the middle of admiring my 'foxy' self in front of the mirror when my phone suddenly rang. . . Si Christel.

"Oh?" bungad ko.

"I'm just checking kung pupunta ka ba sa pageant later"

"Of course. Bihis na nga ako eh. . ."

"Okay, good. Good luck sa paghaharap n'yo HAHAHA" and the line went off.

GOOD LUCK TALAGA. . . Lalong-lalo na sa Angelette na'yan.

>> fast forward

Inis na inis kong tinignan 'yung empty stage. Shit naman oh. Almost 10 minutes nang delayed yung start dahil sa pesteng Angelette na'to. . . Hindi makapag-umpisa 'tong event dahil wala pa s'ya. Si gaga pa-importante masyado tskk.

Nakikita ko sa gilid ng mata ko 'yung isang staff na papalapit dito sa pwesto namin. . . As a judge, dito ako naka-upo sa long table katapat lang ng stage at katabi pa'yung 8 judges. "Ahmm Madams, pwede bang hintay pa tayong 5 more minutes? . . On the way padin po kasi si Miss Seraphina" he beseech.

Napa-irap naman ako sa hangin. Akala mo kung sinong importante nakakainis.

"Sure hijo. We can wai—"

"No" hindi ko na pinatapos si, kung hindi ako nagkakamali, Mrs. Cruz sa sasabihin n'ya. Hell no, hindi ako ang mag-aadjust sa puñyetang bruhildang 'yan.

Naging dahilan iyon para mapa-tingin lahat saakin. Diretso kong tinitigan 'yung staff. . . "Sabihin mo sa director n'yo na kung hindi pa mag-uumpisa ngayon. Magwo-walk out ako dito" I smirked. "At ayaw n'yo naman sigurong mapag-usapan itong event n'yo dahil sa pagwo-walk out ng isang Imperial" pagmamayabang ko.

Bakit totoo naman.

Importante ang oras ko at lalong-lalo na AKO mismo. I'm sure madaming macu-curios sa oras na umalis ako sa lugar na'to. . . Hello, I'm Clarice Imperial. Lahat ng mata ay naka-sunod saakin dahil sikat ako.

"S-sorry for the inconvenience Ma'am. Sige po sasabihin ko na kay Direc" naka-tungong asik nung staff at patakbong tinungo 'yung backstage.

Mukhang nagulat 'yung ibang judges kaya hindi padin nila inaalis ang tingin saakin. Proud kong inayos yung papel na nakalatag sa harap ko habang pinipigilan ngumisi. . . I'm the boss here, bitch.

Ilang segundo lang ay biglang lumakas 'yung ingay na nanggagaling sa likod. . . Of course, napatingin narin ako.

Out of nowhere, biglang pumasok si. . .

Angelette.

Shit. . . I feel like I can't quite catch my breath. A-akala ko ready na akong makita s'ya sa personal. I didn't expect na lalakas ng ganito ang tibok ng puso ko sa oras na magkita kami. . . It's really her.

Cruel TemptationWhere stories live. Discover now