XXVIII - Kidnap

332 3 2
                                    

"Gusto mo umorder?" tanong ni Christel sa'kin. Hindi ko padin kasi alam kung pa'no maguumpisa. ". . . Ito oh. . ." sabay abot n'ya sa'kin ng limang daan.

"Ay hindi na. . ." binalik ko yung pero na inaabot n'ya sa'kin habang umiiling. "Kakatapos lang din namin kumain kaya busog pa'ko"

"Sige ito nalang. . ." may inabot s'ya sa'kin na bottled water na mukha namang bago. "Hmm, kamusta ka na pala?" tanong n'ya.

"Eto. . ." dahan-dahan kong inabot yung tubig at ininuman. "Okay padin naman. Ikaw? Ang tagal na magmula nung nagkita tayo ah. . ."

"Kaya nga eh. . . Ikaw naman kasi, nagpabuntis ka kaagad"

Gulat ko s'yang nilingon. A-ano daw?

Kaagad naman s'yang tumawa. "Just kidding. . . Eto naman masyadong seryoso"

Nginitian ko nalang s'ya at pilit sinasabayan yung trip n'ya dahil hindi ko alam kung maayos na ba kami sa isa't isa o galit padin s'ya sa'kin.

"Okay lang ano ka ba. . Ah Christel, bakit mo ngapala ako gustong makausap?" pagiiba ko ng usapan.

Bigla s'yang tumikhim at sumeryoso na ulit. Yung blanko n'yang mga mata kanina, napalitan ng sinseridad.

Lumapat yung isang kamay n'ya sa kamay ko na nasa lamesa na kinagulat ko.

"Angelette. . . I want to say sorry. . For everything. . ."

"Christel naiintindihan ko naman kung ba't ka galit sa'kin no'n. . Kaya hayaan nalang natin 'yon" pagpapatawad ko.

Totoo naman na naiintindihan ko s'ya nung mga panahon na'yon. Galit s'ya dahil napahiwalay s'ya kay Clarice na best friend n'ya dahil sa'kin.

Mas lalong humigpit yung kapit ni Christel sa kamay ko habang nakangiti s'ya sa'kin ng wagas. ". . . Thank you for your kindness. . ."

Wala akong nagawa kung hindi suklian yung ngiti n'ya. Masarap pala talaga sa loob kapag nakakapag-usap kayo nang masinsinan ng mga taong nakakalabuan mo.

"Anyways Angelette. . One last question" hinugot n'ya na yung kamay n'ya at umayos s'ya ng upo.

"Ano 'yon Christel?"

"Ahm. . ." halatang hindi pa s'ya sigurado kung sasabihin ba n'ya sa'kin yung gusto n'yang sabihin. Pero ilang sandali lang ay huminga s'ya nang malalim bago magpatuloy. ". . . Nung isang beses kasi, p-parang nakita ko si Clarice somewhere"

Bahagya akong natigilan sa sinabi n'ya. Patay na!

"Ahh Chris—"

"Wait!" putol n'ya. ". . . You don't have to explain Angelette. . I-I just want to clarify things right now. . Oo o hindi lang. Alam kong may alam ka Angelette. . ."

Habang tinitignan ko s'ya, hindi ko maiwasan mapakagat sa labi ko.

Anong gagawin ko?!

Tinakot ako ni Clarice dati kapag nagsalita ako. . Pero best friend n'ya naman si Christel eh.

Pero kahit na!

Cruel TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon