XXXV - Veronica

450 9 4
                                    

Angelette's Point of View

Dahan-dahan akong nagising dahil sa napakalakas na iyak ng isang sanggol.

dO_Ob

Sanggol?

Anak ko?!

Mas mabilis pa sa kidlat akong napabangon sa kama.

T-teka kama namin ito ni Liam.

Bakit ako nandito?

Bigla-bigla nanaman bumalik yung napakalakas na hagulgol ng anak ko.

Mabilis akong tumayo at sinundan yung iyak ng bata.

Hindi ko namalayang nakalabas na pala ako sa loob ng kwarto at naglalakad patungong hagdanan.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad dahil sa naanino kong lalakeng nakatalikod saakin. May karga-karga s'yang sanggol.

Pero unti-unti akong natigilan dahil sa pagharap nung misteryosong lalake, bigla ko s'yang nakilala.

"Papa?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Bakit nandito si papa?

Dahan-dahan kong binaba yung tingin ko sa batang hawak-hawak n'ya.

"H-hinde. . ." paulit-ulit kong wagayway sa ulo ko nang marealize kong mali itong nakikita ko.

Hindi 'to pwede. . .

Mali 'to.

P-patay na si Papa at hindi n'ya pwedeng mahawakan ang anak ko.

"Anak" masinsin na tawag ni papa sa'kin.

Habang tinitignan ko s'ya sa mga mata, hindi ko mapigilan mapa-luha.

Papa ko. . .

"Angelette alagaan mo ang sarili mo ha? . . Kung pwede, alisin mo lahat ng galit d'yan sa puso mo. Mag-patawad ka sa lahat ng taong gumawa sa'yo nito anak"


Hindi ako kumibo bagkus mas lumakas lang ang iyak ko.

"Mag-ingat ka anak. . . MAUUNA NA MUNA KAMI NG APO KO" nag-umpisa na s'yang humakbang pababa.

"Hinde" natataranta kong saad. "pa! Pa, please yung anak ko, please 'wag. ." sinusubukan kong humakbang pero hindi ako makaalis sa pwesto ko.

Patuloy padin sila sa pag-baba habang pinagmamasdan ko sila.

Gusto ko silang habulin pero para akong namamanhid at walang control sa sarili kong katawan.


"Anak ko. . ." hagulgol ko. Wala akong magawa kung hindi mapa-upo sa sahig at takpan ang bibig sa sobrang lakas ng iyak ko.

Hanggang sa unti-unting nag-dilim. . .

Sa pagbukas ng mga mata ko, para akong taong sinalba mula sa pagkakalunod.

Hingal na hingal ako habang iniikot ng tingin yung paligid.

Hanggang sa maalala ko sila. . .

Mas mabilis pa sa alas-kwatro akong napa-tingin sa t'yan ko.

"Hinde" paulit-ulit kong bigkas habang inaalala yung masamang panaginip na naranasan ko.

Hindi 'to totoo. . .

Cruel TemptationWhere stories live. Discover now