XII - Guests

401 8 0
                                    

Angelette's Point of View

Halos maestatwa ako sa kinauupuan ko nang makita ko si Liam na iluwa nung pintuan. Naglalakad na s'ya palapit saamin. May sumunod din sakanya sa pag-pasok sa pintuan. Sumisigaw ang aura ng babaeng 'to sa buong resto.

Kung isang simpleng costumer ngalang ako dito ay iisipin kong sila ang magkasama at magde-date.

Naka white spaghetti-strap bodycon dress na pinaresan ng black pump iyong babae.

Gulat kayo 'no?

Madami akong alam sa mga ganyang bagay dahil hilig ko din ang fashion. Yun ngalang, wala kaming pera pang-bili sa mga ganyan. Kaya hanggang tingin at alam nalang ako.

"Hey" bungad ni Liam sabay tanggal sa suot n'yang shades. Nahagip din ng paningin ko si Fionna na naka-halukipkip nanaman ang mga kamay habang pinagmamasdan si Liam.

Nang makalapit yung babae sa mismong table namin, bahagya akong nagulat sa ginawang paghawak ni Liam sa balakang n'ya.

"This is Janna Salvador. . Janna this is my fiancée, Angelette" turo n'ya saakin. Tumungo ako nang bahagya habang nginitian n'ya naman ako. "And this is her friend, Fionna" ngumiti din si Fionna sakanya pero alam kong plastic na ngiti iyon.

"So you're the 'soon-to-be Mrs. Imperial' I've been hearing about" naglahad s'ya ng kamay saakin. Tumayo ako para abutin iyon. "Hi. Nice too meet you"

"Ahh, nice too meet you din Ms. Salvador"

"Oh please, I'm fine with Janna. . . So shall we start?"

"Yeah. Take a seat now" pumunta si Liam sa upuan n'ya saka ginalaw iyon para makaupo si Janna.

Uupo nadin sana si Liam pero pinigilan s'ya ni Fionna.

"Ah wait Liam! Dito ka kaya umupo sa tabi ng MAG-INA mo" sinadya n'yang diinan yung sinabi n'yang mag-ina. "Masama daw pakiramdam ni Angelette eh. Para sana mabantayan mo"

Napa-face palm ako sa imagination ko. Hay nako Fionna! Alam ko nanaman kung anong tumatakbo sa isip n'ya. Sana naman ay 'wag silang mag-away.

"Okay" at nagpalit nga sila ni Fionna ng upuan. "You okay baby?" bulong saakin ni Liam pagkaupo n'ya.

"Ah oo, okay na'ko" kahit ang totoo kanina pa'ko okay at excited. May saltik lang talaga 'tong si Fionna at bigla-bigla iyong naisip.

"So Angelette and Liam. . Let's start with your guest list. May I ask kung ilang bisita ba ang napagusapan n'yong invited? A hundred ba?"

"500 persons"

Halos mahulog yung mga panga at mata naming tatlong babae sa sinabi ni Liam. Wala s'yang naging reaksyon habang sumisimsim ng tubig.

"Limangdaan? Sabog ka ba Liam?" tanong ko. Nginisian n'ya lang ako.

"Imperial and Lopez' clan will be there. Plus, my friends. Mommy and Daddy's friends, business partners and such. Tapos yung mga kaibigan at kamag-anak mo pa. So what's wrong?"

Napatingin ako sa taas habang binibilang nang maigi kung sino-sino ba ang siguradong dadalo sa pamilya ko. Alam kong hindi na tataas pa sa sampung tao yung mga pwede kong imbitahin na kamag-anak ko dahil maliit lang naman ang nasa side ni Mama. At sa side naman ni Papa ay hindi ko alam dahil hindi naman sila nagpapakita saamin magmula bata ako.

Cruel TemptationМесто, где живут истории. Откройте их для себя