Chapter 47

655 50 1
                                    


They've braced themselves for what's coming to them

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

They've braced themselves for what's coming to them. Esmeralda saw Freymount falling apart, but she had no idea when it will occur. She just knew that it will, but never learned what danger it holds. But Edmond seeing it all now. He was preparing for it to come and it's time to save the town, they knew they were putting their lives at risk.

Edmond, Edwardine, Alycia, and Reubert went to meet Chieftain Clements with Elius to state that all of the people were already out of the town. Hindi naman halatang pagod ang mga bampira, but it was exhausting for them to do it all over again and again. Sa bilis ng mga pangyayari, kailangan nilang gawin ang labis na makakaya sa mabilis na oras.

"We need to compel you, too, Roman," ani Edmond.

Mabilis namang umiling ito. "Hindi. Ayoko," pagtutol nito.

Pumasok naman sa usapan si Edwardine. "Para sa kaligtasan mo iyon. Isa ka pa ring normal na tao at hindi mo maaaring malaman ang lahat ng ito. You'll be locked up in a cage in the basement with a special incantation from Stella. You'll be safe there."

"Ayoko at hindi ako magkukulong na lamang sa basement habang hinahayaan kong bumagsak ang bayan ko. Ako ang lider ng bayan na ito at kahit tao ako at walang abilidad na katulad niyo, mananatili ako rito at lalaban abot sa makakaya ko," paninindigan ni Roman.

"Whatever you want, Roman," ani Edmond. "Kung 'yan ang gusto mo."

"Para sa bayan ko."

Niyakap naman ni Edwardine si Roman. Pinapanood naman ni Alycia ang mga pangyayari at kahit alam niya na ang mga Clements ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang ay tutulong pa rin siya alang-alang sa bayang kanyang sinilangan.

"Ano nang gagawin?" ani Alycia. "Binitawan na ni Stella ang barrier."

Tumango si Edmond. "Tama... kailangan na nating maghanda para harapin sila."

Hinawakan ni Edwardine sa braso si Roman. Hinawakan naman ni Edmond si Elius at lahat sila ay tumungo pabalik sa border kung saan naabutan nila ang mga bampira at lobo na pino-protektahang hindi makapasok sa border ang ibang nilalang. Nakaupo lamang si Stella sa tabi at nagpapahinga matapos gamitin ang kanyang enerhiya.

"Stella... kakayanin mo pa ba?" tanong ni Edmond sa kanya.

Kahit pagod ay tumango si Stella upang ipakita niya na hindi niya susukuan ang bayang ito. If her ancestor defended the town, she can do it, too. Gagawin niya iyon sa lubos ng makakakaya niya. Hindi siya titigil.

Ibinahagi na rin naman ni Edmond sa kanilang mga kasamahan na nakalikas na lahat ang mga tao sa bayan. It was their only way para masiguradong walang inosenteng buhay ang mapapahamak. Kahit pinagtatabuyan at kinasusuklaman sila ng mga tao ay pipiliin pa rin nilang iligtas ang mga ito. Tao lang sila, walang muwang sa totoong nangyayari sa mundo.

The 19th Century Vampire (Wattys 2020 Winner - Paranormal)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora