Chapter 10

2K 120 6
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


1843, Freymount Town

This town doesn't sleep when strange activities infiltrated their area. This is the first time since then so it was a lot of pressure for everyone. Sa masayang selebrasyon na idinaraos kaninag ay biglang naputol sa hindi inaasahang pangyayari. Ang lahat ng mga katanungan at kuryusidad nila pagkauwi ng kanilang mga tahanan ay nanatiling isang katanungan. At ang inaalalang panganib ay nanatili sa kanilang mga dibdib.

Unti-unting minulat ni Aletheia ang kanyang mga mata. Nang mapansin nitong wala na siya sa infirmary ay dahan-dahan siyang napabangon muli sa pagkakahiga. Doon niya lang na-realize kung nasaan na siya. Nasa sariling kwarto na niya ito at napansing ibang damit na rin ang kanyang suot—naalala niya iyon mula sa nangyari kagabi. Nakita niya ang kanyang traja de meztiza sa basket kung nasaan ang mga maruruming labada. Her bloody dress was there and it reminded her once again what happened last night.

She gasped at the thought of what happened to the two guys. Ang estranghero at si Edwardine.

Tumayo si Alethia sa kanyang kama at tinahak ang daan papunta sa pinto. Bago pa man niya mabuksan ang pintuan ay may kumatok doon. Natigilan siya ng ilang saglit, ilang beses itong napakurap at saka pinagbuksan ito ng pinto.

Bumungad sa kanya ang kanilang kasambahay, tila nagkagulatan pa ang dalawa.

"Hija, saan ka pupunta? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito sa dalaga.

Dali-dali namang tumango ito. "Opo. Maayos naman na po ang pakiramdam ko."

"Mabuti kung gano'n. Dinalhan kita ng sabaw upang mainitan ang iyong sikmura at gamot na rin."

"Hindi na po," pagtanggi ni Aletheia. "Pupuntahan ko na lang po ang mga magulang ko..."

"Pero Aletheia..."

Humugot naman ng hininga ang dalaga. "Ayos na naman po ako. Nakapagpahinga na ako at hindi niyo na kailangan mag-alala pa. Hindi naman ako ang kailangan niyong alalahanin dito," aniya, napakunot-noo naman ang kasambahay. Hindi naman direktang sinagot ng dalaga ang kuryusidad ng kasambahay bagamat ay nagpaalam na ito at iniwang nakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto niya.

Hinanap ni Aletheia ang daan patungo sa kwarto ng kanyang mga magulang. As she scurried her way to their door, she couldn't help, but to think all the things that had happened last night. Bakit siya nilipat ng kwarto? Kung mababantayan siya sa infirmary? O dahil hindi lang kampante ang kanyang mga magulang na kasama nang kanilang anak ang isang estrangherona mistulang naging hudyat sa insidenteng nangyari.

When she made it to her parent's room, she stopped upon entering the room when she heard both of them exchanging not-so-good words and she thought, it's not a good thing to interrupt. Nanatili siya sa ganoong posisyon, mali man ang kanyang ginagawa pero pinili niyang manatili at pakinggan ang pinag-uusapan ng kanyang magulang.

The 19th Century Vampire (Wattys 2020 Winner - Paranormal)Where stories live. Discover now