Prologue

22.9K 567 39
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Freymount Town, 1843

Chieftain's Night


"Aletheia, hindi matutuwa ang ama mo kung hindi ka dadalo sa selebrasyon. Pumunta ka na ngayon—"

"At anong aasahan ko? May ipapakilala na naman sa akin na lalaki na hindi ko naman matitipuhan?" panunudyo nito sa kausap na kasambahay sabay ang mahinang tawa. Umikot ang kanyang mga mata sabay sa paghugot ng malalim na hininga at binalik ang tingin sa salamin. Pansin niyang hindi pa rin umaalis sa pagdungaw ang kasambahay kaya mabilis itong lumingon pabalik sa kanya. "Dadalo ako, h'wag kayong mag-alala."

Tumango ang kasambahay sa kanya. "Iyan ang gusto sayo ng ama mo, at sigurado'y matutuwa iyon sa'yo."

Napasinghal ang dalaga sa usal nito kaya mabilis siyang tumayo, rinig ang yabag ng kanyang takong patungo sa tapat ng pinto at agaran iyong isinara. Narinig pa niya mula sa kabilang banda ang pagtawa ng kasambahay nito. Nang ipikit niya ang kanyang mga mata upang alisin kung anong gumugulo sa kanyang isipan ay bigla namang pumasok ay ang mga kalalakihan na pinapakilala sa kanya ng kanyang ama.

She was so over with it, and couldn't handle the situation but she had to go with her father's decision even if she doesn't want to comply with it. She doesn't have a choice, too, but entertain them.

Kanyang isinuot ang inihandang traja de meztiza ng kanyang ina. Mula sa magarbo nitong kulay puti dahilan upang mamutawi ang kanyang mala-perlas na kutis na nagiging agaw pansin ng iba't ibang taong nakakasalamuha niya.Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin at napatanong na lamang sa isip.

Ano bang nakita nila sa akin? Mga katangiang ano nga ba ang hinangaan nila sa akin? Sobra-sobrang pagtataka.

Sinigurado niya ang kanyang sarili bago lumabas ng kanyang kwarto. Hindi palaayos ang dalaga. Sa katanuyan ay kung anong matipuhang damit lamang ang kanyang maisuot ay ayos lang. Dahilan din dito'y mas naging kapansin-pansin siya sa mga mata ng kalalakihan. Simple yet beautiful enough.

"'Wag kang mag-alala Aletheia, isa lang itong ordinaryong gabi katulad ng karamihan." Nginitian niya ang kanyang sarili mula sa salamin. Kung ano-anong ekpresyon ang kanyang ginawa niya at pinagtawanan na lamang ang sarili at tuluyan niyang napagdesisyunang lumabas ng kanyang kwarto.

She was greeted by the breezy cold wind that made a few strands of her hair flew together with the wind. Two blocks from their home, the event hall were held and everyone's gathering for the celebration of their chieftain's birthday. She had no escort heading toward the venue yet she feels no danger to occur. The night's still young. The bright full moon was shadowed by the grey clouds and stars are fuzzy to be seen.

Nang marating ni Aletheia ang venue, nakilala naman kaagad ito ng karamihan at hindi nawala sa init ng mga mata ng bisita. Ang lahat ay nakasuot ng magarbong kasuotan. Iba't ibang terno at palamuti ang suot-suot ng karamihan. Lumapit naman ang dalawang guwardiya kay Aletheia para alalayan itong makarating sa kanya ama at ina na siyang pinapaligiran ng iba't ibang panauhin.

The 19th Century Vampire (Wattys 2020 Winner - Paranormal)Where stories live. Discover now