Chapter 5

3.4K 156 9
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Hindi alam ni Aletheia kung anong unang gagawin niy. Ang tulungan si Edwardine o ang hanapin ang taong gumawa nito sa kanya. Makailang ulit inalog ni Aletheia ang binata at nang dumilat ang mga mata nito at kasabay nito ang malalim na pagbawi nang kanyang hininga. Inabot ni Edwardine ang mga pisngi ng dalaga. Gustuhin man nito magsalita at iparating sa dalaga ang nasa kanyang saloobin ay hindi nito magawa. Pilit nitong hinahabol ang kanyang hininga.

"Hihingi ako ng tulong, Edwardine," mariing tugon ni Aletheia sa binata. Ngunit muli niyang narinig ang kaluskos sa paligid. Naging alarma ang dalaga sa kanyang kinaroroonan. Pakiramdam niyang malapit lang iyon. Delikado at mapanganib, iyon lamang ang namumutawing ibinibigay ng kagubatan pero hindi ikinabahala ni Aletheia ang kung ano mang insidenteng dumating. "Babalikan kita, Edwardine. Hihingi ako ng tulong pero... hahanapin ko muna kung sino ang nasa likod nito."

Tumayo si Aletheia sa pagkakasalampak sa madamong lupa. Pilit na inangat ni Edwardine ang kanyang kamay kahit manhid ang mga iyon. She just looked at her with pity. She nodded  to him as an assurance that she'll be back for him. Edwardine started to lose his consciousness and was screaming inside his head, tulong—nasusunog ako! But no one could even hear him. She just left him fed off by the insects and swam into the wet dirty puddle near him. 

Pinasok ni Aletheia ang masukal na parte ng kagubatan. Sinusundan niya ang kaluskos at mga maiingay na paghawi sa sangay ng puno. Hindi sinubukan ni Aletheia na sumigaw upang kunin ang atensyon kung sino man iyon bagamat hinayaan niyang manaig ang kanyang instincts sa paghahanap sa direksyon ng mga ingay.

Natigil ang dalaga nang mapagtantong nawala na ang kaninang sinusundan niyang ingay. Tila ang mga insekto at huni ng mga ibon ang nangingibabaw. Hinakos ng dalaga ang sarili nang umihip nang malakas ang hangin at kasabay noon ang pagsayaw ng mga dahon mula sa kapunuan. Itiningala ang kanyang ulo at napatitig na lamang sa nagliliwanag na buwan na kanina lamang ay natatabunan ng mga kaulapan.

"A-ah!" isang boses nang lalaki ang narinig ni Aletheia sa hindi kalayuan.

Agad niyang tinakbo ang daan papunta roon. Hindi naiwasan ng dalaga ang mahaplusan ng sugat sa magkabilang braso sa patuloy niyang paghawi sa mga sanay ng puno at mga damong umaabot hanggang baywang. Natigil sa pagtakbo at hinabol ang hininga kasabay nang hindi maipaliwanag na kaba ay nakita niya ang isang estrangherong sugatan. Nakasandal ang estranghero sa isang matandang puno habang iniinda ang sugat na natamo sa kaliwang parte ng kanyang katawan.

Nagdalawang-isip si Aletheia nang makita ang lalaki. Hindi niya ito kilala o namumukhaa. Maliit lamang ang kanilang lugar upang makilala ng lahat ang nakatira roon at ngayon ang taong nasisilayan niya ay hindi nagmula sa kanilang lugar.

She's about to step back when he called for help on her. The blood soaking on his shirt terrified her. Ngunit sa susunod na pag-inda ng lalaki sa kanyang sugat ay mabilis nang lumapit si Aletheia sa kanya at ininspeksyon ang natamong sugat kahit hindi niya alam ang gagawin dito.

The 19th Century Vampire (Wattys 2020 Winner - Paranormal)Where stories live. Discover now