Hindi na napigilan ni Edmondo ang dalaga sa kanyang ginagawa at hinayaan lamang niya ito hangga't sa tuluyan nang mahubad ang kanyang damit at itulak ito pahiga sa kama. Aletheia positioned on top of Edmondo and showered him with kisses on his chest up to his neck and lastly to his lips. 

At first, Edmondo doesn't know what to do. Gusto man niya itong pigilan ay hinayaan na lamang niya ito sa kanyang ginagawa. Inabot ni Edmondo ang pisngi ng dalaga at doon na lamang nagpalit ng pwesto ang dalawa kung saan pinaibabawan ni Edmondo ang dalaga.

"Ganito ba ang gusto mo Aletheia?"

Tumango at humagikgik ang dalaga. Namula ang pinsgi nito. Pinagpatuloy naman ng dalawa ang kanilang ginagawa. Alam ni Edmondo na ang potion ang nagiging dahilan nito sa pagkilos ni Aletheia. Nang idiin ni Edmondo ang kanyang sarili sa dalaga ay napaangat na lamang ang dalaga sa sakit at nang tingnan nila ang nagawang sakuna ay napuno na lamang ng dugo ang kumot.

Naamoy agad iyon in Edmondo at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili kaya naman agad siyang tumayo at nagbihis ng damit. Nagtaka naman si Aletheia sa ginawa ng binata dahil hindi pa man sila tapos sa kanilang ginagawa.

Dahil ayaw mauwi ni Edmondo sa isang trahedya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Aletheia ay nilisan niya ang manor. Nang maiwasan si Stella ay napatitig na lamang ito sa dugong nagkalat sa kumot.

Nagulat na lamang si Esmeralda nang biglang dumating sa kanyang tahanan ang bampira. Humahakos ito sa kanyang hininga at napapakunot-noo na lamang ang matanda sa aksyon nito. Ikinalma naman ni Edmondo ang kanyang sarili habang inaalis sa isipan ang dugo ni Aletheia.

"Anong nangyari?" tanong ng matanda sa kanya.

"Dugo... hindi ko kaya."

"Hindi ko maintindihan," pagkunot-noo ng matanda.

"Gustong makipagtalik ni Aletheia sa akin at nang mangyari 'yon ay dinugo siya. Alam mong bampira ako at malakas ang tukso ko sa gano'ng bagay. Iniwan ko siya mag-isa roon at nagtungo ako dito para humingi ng pabor..."

"Anong pabor?" tanong ng matanda.

"Ginamit ko ang mga gayuma sa kanya at gusto kong alisin sa kanya 'yon..."

Bagamat umaasa ang binata sa magandang balitang ibibigay sa kanya ng matanda ay tumawa na lamang ito dahilan para mas lalo siyang mabahala. 

"Nakakatawa ka naman hijo pero ang mga gayumang iyon ay walang pangontra. Hindi ko naman inaasahan na gagamitin mo iyon sa kanya. Bakit mo naman ginamit iyon sa kanya at ngayo'y ay sabik na sabik kang alisin sa kanya 'yon?"

"Gusto ko siya at gusto niyang alamin ang pagkatao ko pero hindi ko nagugustuhan kung paanong paraan niya iyon ginagawa sa akin. Ginamit ko sa kanya ang itim na dahon para alisin sa kanya ang mga bagay na hindi niya dapat malaman sa akin."

"Ano ba dapat ang hindi malaman ni Aletheia... na isa kang bampira?"

Tumango naman si Edmondo. "At ayokong malaman niya na ako ang dahilan kung bakit namatay sina Edwardine at Homer. Ayoko nang malayo sa kanya kaya ko iyon nagawa pero hindi ko inakala na magiging malala ang sitwasyon ngayon. Tila nasa akin na lahat nga atensyon niya."

"Hmm... kung ako rin ngayon, magtataka ako kung sino ka nga ba talaga at paano ka napadpad sa bayang ito. Kung hindi mo naman mamamasain ang tanong ko, saan ka nga ba talaga nanggaling Edmondo?"

Isang malalim na buntunghininga ang kanyang ginawa.

"Gusto mo ba talagang malaman?"

The 19th Century Vampire (Wattys 2020 Winner - Paranormal)Where stories live. Discover now