Chapter - 51

Mulai dari awal
                                    

Ewan but somehow nagiguilty ako for thinking na nagbago na siya, na hindi ko na siya mababy ng kagaya dati. I know she's supposed to grow this way but something in me is saying na ang hirap pala. Maybe kasi minahal ko siya in times na maraming may ayaw sa kanya, mabisyo at higit sa lahat, isip bata. In times when she's flawed and nobody wants her.

"Are you okay?" She snapped. "Kanina ka pa nakatitig sa akin" she looked at me in the eye and I just smiled at pinaandar na ang sasakyan. Ayaw kong sabihing naninibago ako sa kanya. Sa relasyon namin.

"We're here" sabi ko nang makahinto sa school niya. Parang bata siyang humalik sa pisngi ko at bumaba ng sasakyan after saying na mag-ingat ako papuntang school. Nagstay muna ako sa tapat ng school niya at tiningnan siya habang papasok. Nang nasa hallway na siya ay may mga freshies namang nagpapicture sa kanya, kung dati ay tinataboy niya ang mga ganon, ngayon naman ay ngumingiti na siya or siya pa ang hahawak ng camera. Nakipagkwentuhan pa siya saglit sa mga fans niya bago umalis.

Nagpasya na rin akong pumunta na ng school, gusto ko man magconcentrate na sa volleyball career ko ay hindi ko naman magawa dahil mahal ko rin ang pagluluto. Pagkapasok ko ng room ay diretso suot na ako ng hairnet dahil ilang minuto na lang ay magstastart na ang practicum namin. Dahil malapit na ang holloween party ng school namin ay pinagpapraktis na kami ng ganoong theme, maghahanda kasi kami para sa naturang party.

"Montenegro" tawag sa apelyido ko ng prof ko na nagchecheck ng cake na gawa ko. "I like the design, pero masyadong matamis ha. Inlove ka ba?" Natatawa pang sabi nito, di ko rin maiwasang mapangiti sa sinabi nito kaya mas lalo itong natawa. "Pwede na" pag grade nito sa akin. Ibig sabihin ay pasado na sa kanya ang gawa ko or nasarapan siya. Masyado kasing mataas ang standard nito dahil nanggaling na ito sa maraming bansa kaya kung magbigay ng compliment ay tipid lang at kung ayaw naman ng gawa mo ay mapapahiya ka talaga.

After ng class ko ay dumiretso na ako sa training namin kasama si Janice at Ericka, ewan ba pero nag usap naman na kami na kapag hindi na university league ay pwede na kaming maghiwalay na tatlo pero ayaw nila para friendship goals daw.

"Sapphire dito daw si Jessey kanina" sa sinabing iyon ni Ericka ay napatigil ako sa pag-ayos ng gamit ko pauwi. Noong nasa Japan kasi kami ni Jessey ay nagkaroon kami ng hindi magandang pag-uusap that made her back out sa team and went back here in Philippines.

"Babalik ba siya sa team?" Agad kong tanong bago nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.

"Pinapabalik siya dahil sa kontrata" singit naman ni Janice. "Alexa, pag kailangan mo ng tulong nandito lang kami ni Ericka" she continued to say and patted my shoulder.

Sabay sabay na kaming lumabas ng gymnasium ng university na kasalukuyang hawak ng coach namin ngayon. Medyo malayo ang napagparkingan nila Ericka at Janice kaya naiwan na ako sa tapat ng kotse ko. Nang bubuksan ko na ang pinto ay napalingon naman ako, mula sa Japan pa lang ay feeling ko laging may nagmamasid sa akin. Akala ko matatapos iyon pag uwi ko ng Pinas pero mas lalo pa yatang lumala ang kaba ko ng pati rito ay hindi naalis ang pakiramdam at kaba na iyon.

Nang makapasok sa kotse ay tinawagan ko agad si Blue, coding kasi siya ngayon at ayaw ko siyang nagcocommute dahil nagkaroon na siya ng habit matulog sa kotse na nagsusundo sa kanya, kay Lei, sa akin, o di kaya sa driver nila.

"Hey pwede ka bang masundo? Badly wanna see you" me in my paawa voice.

"Sasabay sana ako kay Lei magcommute, pero mas gusto ko sumabay sa 'yo" nag usap pa kami saglit hanggang matapos ang break niya bago ako pumunta sa school niya.

Nang malapit na ako sa school niya ay tinext ko agad siya, ipinapaalam na nasa tapat na ako ng school niya.

Isang oras lang rin ang hinintay ko bago ko siya makita sa gate nila, kasama niya si Lei at animo'y nagbibiruan. Maya maya'y hinanap niya na ang sasakyan ko at nang mahanap niya naman ay kumaway pa siya at hinila rin si Lei na ngayo'y nasa likod niya.

Habang tumatawid siya'y biglang may humaharurot na puting sasakyan ang parang desidido siyang sagasaan, buti na lang at nasa likod niya si Lei at nahila ang damit niya dahilan para mapaupo sila sa kalsada.

Para akong kidlat na biglang napaalis sa loob ng kotse ko at dali-daling lumapit sa kanya.

"Okay ka lang Blue?" sabay pa kami ni Lei ng pagkasabi.

"Okay lang ako, I was just blinded by his headlights" sagot niya habang pinapagpagan ang sarili. "Sadya ba yun? Who would dare to do that to me?" Tanong niya pa sa 'min. Tumahimik lang ako hanggang makapasok kaming tatlo ng sasakyan.

Nag-uusap sila ni Lei tungkol sa nangyari, more like nagtatalo kung sadya ba o hindi ang nangyari. Pero alam kong sadya iyon dahil sa mga narinig kong sinabi ng mga tao sa paligid na bumwelo pa daw yung sasakyan bago tumungo kay Blue.

Napahilot na lang ako sa sentido ko bago pinaandar ang sasakyan. Sana lang mali ang hinala kong may kinalaman si Jessey sa pangyayaring ito.

Nang maihatid namin si Lei sa bahay nito'y nagpasya akong kausapin si Blue na sa kanila matulog. Nag aalala kasi ako, naninikip rin ang dibdib ko sa isiping kung wala si Lei ay baka napaano ang Williams ko. "Love you don't have to sleep here naman, safe na ako rito. Tsaka mas maaga pa yung pasok mo bukas" pag aassure ni Blue sa 'kin pero hindi ko siya pinakinggan.

"Blue kaya kong gumising ng maaga bukas na at least alam kong buhay ka, kaysa gumising akong wala ka na. I almost lose you" she sighed then hugged me tight pero hindi no'n naalis ang sobrang pag-aalala ko.

"I'm sorry dahil sa 'kin nag aalala ka ng ganyan" sabi pa nito while slowly rubbing her palm against my back, trying to calm me down. "Kung sadya man iyon ay siguro isa yun sa mga taong nagkaatraso ako dati" sa sinabi niya'y napatulo naman ang luha ko, malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman si Jessey rito dahil sa pagbabantang ginawa niya sa 'kin matapos ko siyang iturn down sa Japan.

"I love you Blue" madamdaming pahayag ko ng labis na pagmamahal dito at yumakap pa ng mahigpit. Hindi ako makakapayag na saktan niya lang ang kaisa-isang taong minamahal ko.

Loving The Cold Blue (GxG)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang